Venus Thane's Pov
"Good morning po Señorita," nakangiting bati sa 'kin ni Celine nang maabutan n'ya ko sa veranda na mag-isang nag-uumagahan.
And maybe I am not in mood to be nice that I end up ignoring her greetings.
Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa narinig ko na lamang ang papaalis n'yang hakbang. I turned to look at the spot where she used to stand and find my self getting annoyed for no apparent and valueable reason.
Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa 'king plato at susubo na sana ulit nang marinig ko ang tunog ng sasakyan.
My brows arched at that.
Ang sabi naman ni Papa mamayang tanghali pa sila ni Mang Robert makakauwi mula sa Santa Catalina. Sino naman kaya 'yong dumating?
And being the curious cat that I am and will always be... I stood up from my seat and went to the veranda's railling.
I look down only to saw a familiar white chevrolet. The corner of my lips curve into a wide grin.
"Oh My God! Kuya Ranus! Saturno!" Hindi na napigilan pa ang sarili't napasigaw na lamang ng makita ko na si Uranus at Saturn ang bumaba mula ro'n.
Sabay silang nag-angat nang tingin sa veranda saka kumaway sa 'kin. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinungo ko ang paalis ng veranda at walang prenong tumakbo pababa kahit na ilang kasambahay pa ang umawat sa 'kin mula sa 'king mini fun run.
"Venus Thane! Maghunos dili kang bata ka!" Habol na sigaw ni Manang bago ako makalabas ng front door na hindi ko rin pinansin.
"Kuya Ranus! Saturno!" May malapad na ngiting tawag ko sa kanila bago ko sila palundag na niyakap.
"Saturn. Saturn Ryx Costello. Ang ganda-ganda ng pangalan ko ta's gagawin mo lang na Saturno." Inis na anas ni Saturn nang humiwalay ako mula sa pagkakayakap ko sa kanila.
I rolled my eyes on him and frown that soon gone as I darted my eyes on Kuya Ranus. Natatawa n'ya lamang kaming pinanunuod na mag-usap ni Saturn.
Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko para sa kaniya nang dumako ang mata ko sa silver niyang buhok. Katulad ko'y maputi rin si Kuya Ranus, maganda rin ang hubog ng kaniyang katawan ang singkit n'yang mata, manipis at mapupulang labi'y talaga namang kapansin-pansin.
Now that he dyed his hair, he looks like a character from a comic book or anime.
Napatingin pa 'ko muli sa chevrolet ni Kuya Ranus sa pag-aakalang nandoon pa si Jupiter.
Saturn smirked as he realize that I was looking for the older Costello.
"Hindi makakasama ngayon si Kuya busy 'yon kay Elara." Kaswal niyang sinabi saka ako inakbayan habang tinatahak naming tatlo ang daan papasok sa loob ng mansyon.
"Elara? You mean your stepsister?" I asked a little bit confused. He lick his lower lip before he nodded in response.
Maging ako'y napatango na lang rin.
"Manang!" Halos magkasabay na tawag nila kay Manang Constancia na isa-isa nilang pinagmanuhan at hinagkan.
"Hindi naman kayo nagpasabi na ngayon pala kayo darating sana nakapagluto ako ng mas maaga." May ngiti sa labing sinabi ni Manang pagkatapos siyang yakapin ni Kuya Ranus.
"Kumain na ba kayo?" She asked once again. Kahit na naaliw ako sa panunuod sa pag-uusap nilang tatlo'y hindi nakatakas sa panigin ko ang pagdaan ni Celine hawak ang kaniyang cellphone at nagtitipa ro'n.
Katext n'ya kaya si Ariz?
I bit my lower lip as I felt my chest tighten at that thought. Ganito ba talaga iyong feeling kapag may crush ka ta's iyong crush mo'y may ibang gusto?
This doesn't feel right. Parang sobrang bigat kasi sa dibdib ko.
"Thane." Uranus Galliver's cold and deep voice brought me back into reality. I blink my eyes for a moment after I gaze at the three of them.
Nakatingin lang sila sa 'kin kaya malamang ay may kung anong sagot silang hinihintay mula sa 'kin.
"A-ano 'yon?" I can almost hear imaginary cricket's sound as the silence between the four of us stretched for a moment.
"May pupuntahan ka?" Tanong ni Kuya Ranus. I was about to open my mouth for answer but decided to close it and just nod instead.
"Saan? Sama kami ni Sat wala pa naman kaming gagawin." Mabilis na lumiwanag ang mukha ko dahil sa narinig.
Plano ko kasi na pumunta ngayon ng Santiago Central College para mag-enroll, bukas magsisimula na ang long week na fiesta celebration ng Santiago at gusto ko sana na bago magsimula ang fiesta ay nakapag-enroll na 'ko dahil apat na araw na lang pagkatapos no'n ay simula na ata ng pasukan rito.
"Sa SCC lang, mag-eenroll ako ta's bibili na rin siguro ng ilang school supplies." I muttered and smile.
"And I think we should leave, para maaga rin tayo makauwi." Suhestyon ko na sinang-ayunan nilang dalawa.
"Nandito naman na siguro kayo bago magtanghalian di ba? Ipagluluto ko kayo ng mga paborito niyo." Pukaw ni Manang sa atensyon naming tatlo. Tumango lang rin ako kahit na hindi sigurado bago ako nagpaalam na kukunin ko lang 'yong aking bag pati na rin ang mga requirements na kakailanganin ko sa 'king pag-eenroll bago ko sila iniwan sa babang tatlo.
Nakahanda na ang mga 'yon at nasa ibabaw lang ng study table ko kaya halos isang minuto lang ang itinigal ko sa taas at muli na rin akong bumaba.
"Let's g-go--," halos hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang makita ko na kinakausap ni Saturn si Celine.
Nawala ang ngiti sa 'king labi at seryosong ekspresyon na lamang ang natira sa 'kin hanggang sa marating ko na ang pwesto nila.
Hindi ko alam kung may pms ba 'ko ngayon o talagang naiinis lang ako kay Celine at sa rattan bag na suot n'ya rin.
Napahawak ako sa sling bag ko—yong bag na bigay ni Ariz sa 'kin kahapon. Nakakainis!
Parehong-pareho 'yon at iniisip ko pa lang na binigay rin 'yon sa kaniya ni Ariz gusto ko nang magmaldita sa lahat.
"Let's go, I don't wanna be late." Malamig ang boses na pukaw ko sa atensyon nilang dalawa. Naunang kumilos si Kuya Ranus.
Lumabas na s'ya samantalang natigil ako sa paghakbang nang mapansin na hindi kaagad sumunod sa 'min si Saturn.
"Saturn, you still commin'?" I ask with a forced smile. Sumulyap siya sa 'kin at tumango saka niya ibinalik ang mata niyang ngumi-ngiti kay Celine.
Is she really that beautiful and charming that even Saturn Ryx Costello is interested with her?
I don't think so. This cousin of mine is a w***e, lahat ata ng babae papatulan niya. Kung bakit ba hindi niya nakuha ang kakaunting ugali ni Kuya Jupiter?
"Gusto mo bang sumabay sa 'min? Sa SCC ka rin pupunta hindi ba?" My jaw dropped at his invitation of her. Naiiling na tinalikuran ko siya at tuluyan na sanang lalabas ulit ng mansyon nang makasalubong ko si Ariz.
"H-hindi na. Susunduin kasi ako ni Ariz." Rinig kong sinabi ni Celine sakto sa pagtatagpo ng mga mata namin ni Ariz.
I rolled my eyes and walked passed through him.
Edi siya na 'yong sinusundo!
Padabog kong isinara ang pinto ng chevrolet ni Kuya Ranus at nakita ko kung paano siya napangiwi dahil sa tunog na ginawa non.
"Easy naman. Wala pa 'kong pambili ng bagong sasakyan." Aniya. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.
"Hah! Para namang hindi ka nag-iisang anak ng Governor ng Santiago at tagapagmana ng Rancho at ekta-ektaryang palayan niyo sa Nueva Ecija!" I mocked at him just in time that Saturn get in the car.
"Problema n'ya?" Tanong nito kay Uranus. Nagkibit balikat lamang si Kuya Ranus saka pinaandar ang sasakyan.
Sa lugar na katulad ng Santiago kung saan mabibilang lang ang mga lalaking may itsura at ibubuga, hindi na 'ko nagtaka pa na pagdating namin ng SCC ang mata ng mga kababaihan ay nasa kanilang dalawa.
Uranus seems like he doesn't care about it while Saturn on the other hand is savoring every moment of it. Damang-dama niya na ang gwapo niya talaga.
Famewhore!
"Business Management ang course mo di ba?" Kuya Ranus asked as he checked on my requirements. Tumango lang ako sa kaniya suot pa rin ang hindi maipintang ekspresyon sa 'king mukha.
Ibinalik n'ya rin 'yon sa 'kin pagkatapos niyang masiguro na kumpleto ang lahat.
"Nasaan na si Sat?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot at sa halip ay sumulyap sa grupo ng mga babaeng pinagkakaguluhan at halos sambahin na si Saturno. Maging si Kuya Ranus ay napailing.
"Fill out mo 'tong form ta's ako na bahalang magsubmit nito at magpa-enroll sa'yo, hintayin mo lang ako may pupuntahan lang ako sa registrar office." Uranus finished his high school here and used to be the campus president, saka lang siya lumipad ng New York at halos hindi na bumalik dito nang tumungtong na siya ng college.
"Ako na lang 'yong kukuha ng form natin." Wala sa sariling natigil ako sa pagsusulat at hinanap ang nagmamay-ari ng pamilyar na baritonong boses.
Hindi nga 'ko nagkamali.
Ilang hakbang mula sa kinauupuan ko'y natagpuan ko sina Celine at Ariz. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa g-tech at kung hindi ko lang 'yon kailangan pa'y malamang nabali ko na 'yon sa sobrang inis.
Tinungo ni Ariz ang direksyon na pinuntahan ni Kuya Ranus kanina habang naiwan naman doon si Celine na nakahawak sa strap ng rattan bag niya.
Remind me to burn this stupid rattan bag at home later!
"Señorita!" Nakangiting pukaw ni Celine sa atensyon ko. Tinapos ko muna ang pinaka-huli sa kailangan kong fill out-an saka ako nag-angat nang tingin sa kaniya at nagpakawala ng isang pekeng ngiti.
"Celine, ikaw pala." I mumbled and was about to walk out on her but stopped as I almost bump at Icarus after I turned my back on her.
Gahibla na lamang ang layo ng aming mukha sa isa't isa at mahahalikan ko na siya. Our eyes locked in and unknown species on my stomach began their protest for my hearts questionable beating.
Si Ariz ang unang humakbang palayo sa 'kin na para bang may nakakahawa akong sakit.
I felt a familiar sting at that.
"Sorry, Señorita." Hindi na ko nagsalita pa at sa halip ay ngumiti na lang sa kaniya. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko, nauuhaw ako!
Gusto ko ng tubig!
"Thane are you done?" Kuya Ranus asked.
"I'm thirsty." Anas ko. Imbes na pakinggan ako'y para siyang nawalan ng pakialam sa 'kin nang mamataan niya sa likuran ko si Ariz.
"Icarus!" They made a brotherly hug like they're sort of a long lost bestfriend. Magkakilala sila?
Maliit lang ang Santiago at magkakilala ang lahat ng tao kaya malamang sila rin lalo na't anak si Kuya Ranus ng Governor malamang ay kilala siya ng lahat, ano ka ba naman Venus Thane.
"Balita ko graduating ka na raw sabi ni Manang?" He asked.
"Nauuhaw na sabi ako, Kuya!" Pukaw ko sa atensyon ni Kuya Ranus. Okay this bitchy thing of mine is getting out of hand. Maging si Kuya Ranus ay hindi ata inexpect ang bigla kong pagsigaw.
He forced a laugh to lift the mood.
"Sarado 'yong canteen galing na 'ko ro'n kanina." Anas niyang ikinairap ko ng ilang beses.
"But I'm thirsty, I'd die out of it! Uhaw na uhaw na 'ko." Natigil ako sa pagrereklamo nang iniabot sa 'kin ni Ariz ang malamig at nakaseal pa na bottled water.
Ang tanong kung saan n'ya 'yon nakuha ay nasagot rin kaagad nang makita ko na bukas pa ang suot niyang bag.
"If you want something maybe you should learn how to ask for it in a calmer and polite way." Kalmado ang tonong sinabi n'ya. Hindi ko 'yon kaagad kinuha sa kaniya.
Nakita kong binuksan niya 'yon saka niya muling ibinigay sa 'kin.
How can I politely and calmly ask from him to stay away from his bestfriend then?
Argh! This sucks.
Tigil-tigilan mo 'to Venus Thane Costello Cojuangco. Baka bumuo ng impyerno sa kalupaan si Mama kapag nalaman niyang nagkakagusto ka sa isang trabahador.