CHAPTER SEVENTY ONE Pabalik na sana si Cristy upang tuluyan nang sagasaan si Enang ngunit nakita na niyang papalabas ng bahay ang ina nito kaya naman hindi na siya tumuloy. Humahangos ito na tinunlungan ang anak. “May dugo ang ulo mo anak.” Narinig niyang sinabi ng ina nito. Nakabukas ang bintana ng kotse kaya narinig niya ito at hindi pa naman siya kalayuan. Naisip nyang mas napuruhan ito kung nasagasaan niya lang sana. “Nay, Nay naaalala ko na po ang lahat!” That caught her attention. Habang salubong ang kanyang mga kilay ay napatingin siya sa duguang mukha ni Enanng na nanggagaling sa ulo nito. Mahigpit ang pagkakakapit nito sa ina. Bumaba siya ng kotse upang kumpirmahin ang narinig. Lumapit siya sa mag-ina. “Do you remember everything now Revelia?” Napalingon ang mag-ina sa kanya

