CHAPTER SEVENTY Tulad ng dapat mangyari mula nang mawala na sa landas nila Enang at Dong si Cristy ay naging malaya na ang magkasintahan. Hindi na nila kailangang magtago ngayon sa tuwing magkikita sila. Hindi na sila mga bampira sa gabi upang makapuslit lang sa kanilang date. Ngayon mas malaya na sila. Kahit hindi na nga bumalik ang kanilang mga ala-ala ay okay na dahil higit pa sa mga ala-alang dapat bumalik ang mga bagong ala-alang pinagsasaluhan nila ngayon. “Buksan mo na kasi. Dalian mo na Revelia.” “Ayoko! Hindi pa talaga ako ready! Hindi pa siya ready!” “Pwede na yan… Kailan pa yan magiging ready? Sige ka, babaho yan.” “Babaho? Takot kasi siya dyan, ang haba kaya. Hindi siya sanay dyan!” “Revelia please…” Nilapit ni Dong ang mukha kay Revelia. Pinapungay din nito ang mata.

