Chapter Forty Seven “Give me a chance Princess. Pakinggan mo naman ang paliwanag ko. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko para dumating ako sa puntong ito na magagawa kong sabihin sayo ang lahat. Please listen to me.” He was crying and she saw pain on his eyes. Unexplainable pain. “Annulled na ba kayo? Pwede na tayo? I assume na ganon nalang ang pwede mong ipagtapat sa akin. Sorry kung paiiralin ko na naman ang katigasan ng ulo ko pero ayoko na Jaco. Masyado na akong nasaktan noon. Napatawad na kita… pero mahirap talagang lumimot.” She turned around and run. Alam niyang sinusundan siya nito kaya kahit pagod na ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo hanggang sa parking area ng mall. Sakto namang nakaabang na ang kotse sa b****a ng parking area. Kumakaway si Elens. Binagtas niya kaagad ang pintua

