Chapter Forty Six “Do you know ate Maggie, ate?” tanong sa kanya ni Rubycel pero parang wala siyang narinig. Halos matunaw na nya ang tasa ng kape na nasa mesa. “Ate?” tawag pa nito. “Huh? Masarap ang kape Ruby. Huwag mo na akong tanungin.” Tugon niya. “Magiging bitter lang ako tulad ng kapeng ito kapag pinag-usapan ang babaeng yon.” Bulong nya sa sarili bago kinuha ang tasa at saka humigop. Pagsapit ng takip-silim ay pinasundo na ni Princess si Rubycel sa driver nila. Naiwan siya sa mall. May reservation siya sa isang restaurant para sa kanila ni Jaco. Alam nyang matatagalan pa ito sa pagdating tulad ng sinabi nito kaya naman nagpasama na muna siya kay Elens. Nagpalipas oras na muna sila sa ibang bahagi ng mall. “OMG talaga Cess. I can’t believe na makikipagbati ka na talaga kay Jaco

