Chapter Forty Five “May relasyon ba siya at ang manager niya?” bulong ng isang babae na malapit sa kanila habang nasa loob ng sinehan. Madilim na sa loob pero nakikita at pinapakialaman pa rin sila ng mga ito. Sino ba naman ang hindi magtataka? Pumasok sila sa loob ng magkahawak ng kamay. Hanggang ngayon nagsisimula na ang screening ng pelikula ay magkahawak pa rin sila. “Okay lang. Gwapo naman yung guy. Hot! Bagay sila.” Tugon ng binulungan ng babae. Nangiti naman si Princess. Pagbaling niya ng tingin kay Jaco ay nakatitig din pala ito sa kanya. Walang umiimik. She was enjoying holding his hands. Bumigay na ang kanyang isipan. Puso na niya ang nasusunod ngayon. “Manuod ka na. Hindi naman ako ang palabas eh.” pabiro nyang tugon dito saka binalik ang atensyon sa pelikula. “Mas magand

