Miss Cupid's Match Season 7: True Colors of Love Chapter Seventy Four Nakasuot si Jessa ng blusang itim at itim na skinny jeans. Kitang-kita ang kurbada ng kanyang katawan. High heels na ang sukat ng heels ay five inches ang suot niya sa paa. Sa gawing itaas naman ay nakahawi ang kanyang bangs sa bandang kanan. Hanggang leeg lang ang haba ng kanyang buhok. Wala ng bakas ng tigyawat sa kanyang mukha. Napakakinis na niya. Healthy living na siya at lagi ang pagpunta sa derma. Para kumpletuhin ang kanyang "umeksena sa kasal" outfit ay nakasuot siya ng dark red lipstick. Isang sophisticated woman ang kanyang awrahan. Hindi na mababakas ang dati niyang gender preference kung siya'y manamit. "Lucas Roa a.k.a. Leech Rivera. Hindi ka dapat maging masaya. Ikaw ang linta, ang sumira sa buhay ko.

