CHAPTER SEVENTY THREE Isang linggo nang hindi gumigising si Dong. Naaksidente sila ni Cristy. Pupuntahan na sana niya si Enang upang sabihin ang mga nalaman ngunit sinundan siya si Cristy at halos makipagkarera ito sa kanya upang mapigilan siyang sabihin ang lahat sa babaeng pinakamamahal. Hanggang sa may isang matandang babae ang tumawid sa daan. Nagpreno si Dong upang hindi niya ito mabangga ngunit bumangga naman sa kanyang kotse ang humaharurot na kotse ni Cristy. Sa kasamaang palad ay namatay si Cristy sa aksidente. Dead on the spot ang kaawa-awang dalaga. Halos hindi ito makilala sa tinamong pinsala sa aksidente. Minabuti ng pamilya nito sa ibang bansa na ipa- cremateito dahil hindi na rin kakayanin ng make-up o ano pang remedyo ang tinamo nito kapag binurol ito. Umuwi ang pamilya n

