Chapter Thirty Eight Mabilis lang yung ilang linggong nalalabi kina Viola at Rupert para sulitin ang mga panahong magkasama sila. Umalis ito at naiwan siya. Kasama pa siyang naghatid dito sa airport. Umiyak siya? "Aaaaaahhhhh! Rupert! Mami-miss kita!" Oo naman. Di lang iyak. Ngumalngal siya. Sa sandaling panahon ay naging viral siya. May nag-video kasi sa kanya sa airport habang parang bata siyang nagta-tantrums. "Sikat ka na. Iba ka na Girlash!" Pang-aalaska ni Rupert. "Talk to my hand!" Ayaw niya itong harapin. Isa na ang Skype sa maraming paraan para sila'y magkita at makapag-usap. Unang linggo palang miss na nila ang isa't-isa. Salamat sa tech things na nagkokonekta sa kanila. Lumipas pa ang maraming araw. Ilang linggo at mga buwan. Hindi nila namalayan n

