Chapter Thirty Seven Natapos ang putukan para sa pagsalubong sa Bagong Taon pero walang natapos na pagtatapat at paghingi ng tawad sa pagitan nila Viola at Rupert. Hindi tuloy kumpleto ang unang araw ng taon ni Viola. Maraming palaisipan. Malungkot. Isang araw pa ang nagdaan at nagbalik klase naman. Inaasahan niyang doon na sila magkikita ni Rupert pero tatlong araw na at hindi pa rin ito pumapasok. Uwian na. Nilapitan niya si Joven habang sinusuyo si Fiona. "Joven. Bakit hindi pumapasok si Rupert?" Tanong niya sa mahinang tono. Hindi naman kaagad umimik ang lalaki. Hinampas ito ni Fiona sa braso. "Sumagot ka Joven! Sagutin mo ang best friend ko kung ayaw mong ikaw ang hindi ko sagutin! Kayo ni Brian kung anu-ano ng palusot ang sinabi niyo kay Viola para lang mapagtakpa

