Chapter Twenty Four Hindi ako nanaginip o nagpapantasya lang na sana nandito si Russel kasi nandito siya talaga. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Halos magdikit na ang aming mga mukha. Pinanindigan na talaga niya ang clean cut. Halos walang nagbago sa kanya. Gwapo pa rin. "Pwede ko muna bang ihatid mo muna ako sa Engineering building. Ngayon palang ako papasok eh at late na ako." Sinasabi niya yon habang tinutunaw ako sa pagkakatitig sa akin. "Katabi lang yon ng building ko. Tara." Then he suddenly grabbed my hand. Tulad noong una naming pagkikita. Tulad din noon ang pakiramdam na naramdaman ko. Heart-pounding at may pagtigil ng mundo. Hindi ako makapaniwalang mauulit ang sandaling ito. "Teka lang. Teka lang." Humahangos pa akong huminto. "Building na namin to. Yang katabi s

