Chapter Twenty Three "Sorry ah kung hindi ako nakapagsabing hindi ako makakapasok kahapon. May emergency lang kasi sa church." Nakipagkita ako kay Russell kinabukasan pagkatapos ng klase. Ang kulit niya kasi may mga ibibigay daw siya sa akin. Nandyan na yung mga bulaklak, tsokolate at isang cute at purple na hotdog pillow. Okay na sana kaya lang ngayon na-witness ko ang pagsisinungaling niya sa akin. "Alam mo bang dapat sabay nating kakausapin si Te kahapon. Sabay nating ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Kaso wala ka. Kaya ayun pinuntahan kita sa inyo. Nalaman kong pinuntahan nyo yung probinsyang lilipatan nyo." Habang sinasabi ko sa kanya ang nalalaman ko ay biglang bumigat ang aking dibdib. "V-venise... I'm sorry." Saka niya tinangkang hawakan ang kamay ko pero hindi ako pumay

