Chapter Twenty Two Sayang first day wala si Venise. Nagtext lang siya. Sobrang nag-aalala nga ako sa kanya eh. Pero okay na raw siya. Bukas ay papasok na siya. Hindi niya tuloy makikitang nagpagupit ako ng buhok. Na clean cut na ako at hindi Taguro/mojo cut. Back to school pero maulan. Problema sa pasok ng June. Nagsisialisan na ang mga estudyante sa building namin nang mapansin ko ang isang babae na may purple na back pack. Kapareho ng kay Venise. Parang nakalimutan nong babae ang payong niya at halos mabaligtad na nya ang bag. Naalala ko tuloy ang usapan namin noon na kung may tutulungan akong babae ay yung naka-purple dapat. Baka raw kasi ang best friend niya yun. Alam kong biro lang iyon pero dahil miss ko na talaga si Venise kaya tutulungan ko tong babae. "Hi miss. Wala

