Chapter Six
"Banatan talaga? Pick up lines? Hindi yata ako sanay sa ganyan?!" Tugon ni Dennis habang nakakunot ang noo.
"Kayang-kaya mo yan!" Pang-eenganyo naman ni Maggie. Dali mo na! Mag-pick up lines ka na sa akin!
"Wala akong maisip eh." Tumingin pa ito sa itaas tanda na nag-iisip ng banat.
"Ang mabuti pa magbibigay na muna ng halimbawa ang Canor ko." Nakaisip na naman ng ideya si Aling Tere.
"Sinama mo na naman ako!" Komento ni Mang Canor.
"Hayaan mo na. Para kay Sir natin to oh! Dapat siya yung may makuhang pares sa game no!" -Tere.
"Talo na ako mahal ko. Heto na babanatan na kita. Tere, unggoy ka ba?"
"Bastos ka talaga Canor! Personalan na naman!" Sabay silang natawa ni Dennis habang pinagmamasdan ang kakwelahan ng mag-asawa.
"Banat to Tere! Banat!" -Canor.
"Siguraduhin mo lang na maganda yan! Dahil kung hindi ikaw talaga ang babanatan ko!" -Tere.
"Unggoy ka ba?" Inulit pa ng matandang lalaki.
"Bakit?"
"Kasi natalon mo ang puso ko na mahuhulog na sayo!"
"Whoah!" Sabay na naman sila ni Dennis na nag-react. "Boom!" May pagkurot pa sa tagilirang nalalaman si Aling Tere sa asawa. Halatang kinilig ito. Nang matapos na ang moment ng dalawa ay kay Dennis na natuon ang atensyon ng lahat.
"It's your turn Den!" Pang-eenganyo niya rito. Kitang-kita niya ang paglunok nito.
"Go Sir!" Nag-cheer na rin ang mag-asawa.
"Hoooh!" Bumuntong hininga pa ang lalaki. "Maggie hindi ka ba naiinis sa pangalan mo? Para kasing noodles."
Napatingin nalang siya kina Aling Tere at Mang Canor. Babanat ba to? O seryosohan na? "Hindi naman. Bakit?" Pero tumugon pa rin naman siya.
"Baka kasi gusto mong idugtong ang apelyido ko. Baka sakaling mas gumanda."
Then it was a complete moment of silence. Ang lagaslas lang mga dahon dulot ng pag-ihip ng hangin ang maririnig.
"Tara na Canor. Ayusin na natin ang mga napamalengke natin. Kunyari hindi marunong si Sir bumanat eh pero pang-true to life naman ang banat. Kilig!" Parang mga batang nagtatakbo ang dalawa pabalik sa loob.
"A-ayan akala tuloy nila totohanan na. Ikaw kasi eh..." nauutal niyang pagbasag sa katahimikan.
"Sorry na." Napakamot ito ng ulo. He was so adorable doing that gesture. "Kinilig ka naman ba?"
"Huh? Ayos lang. Pwede mo siyang gamitin sa show. Kaso hindi naman Maggie ang pangalan nung mga babaeng artista eh." Pero oo kinilig ako!
"Yun lang..." nagkibit-balikat nalang ito.
Pagsapit ng hapon ay hinayaan siyang doon matulog sa duyan ni Dennis. Noon nalang ulit siya nakatulog ng araw. Akala niya'y tatabihan siya nito sa duyan pero pinabayaan siya nitong makapagpahinga ng mag-isa. He was still respecting her as a woman. Touchy man ito kung minsan pero hindi pa rin matatawaran ang pagiging maginoo nito. Malakas talaga ang dugong Pinoy ng lalaki.
Dahil nakatulog ng araw ay hindi naman makatulog pagsapit ng gabi si Maggie. Alas dose na pero mulat na mulat pa rin ang kanyang mga mata. May dala siyang ilang libro nila Nicolas Sparks, Martha Cecilia at Sonia Francesca. Noong kolehiyo'y naging pampalipas oras niya ang pagbabasa ng mga romance novels. Wala siyang lovelife kaya masaya na siyang mabasa ang iba't-ibang kwento ng mga perfect match lovers sa mga nobela. Nakakailan na siyang pocketbooks pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.
"Hmmmm.... hindi...." lumabas siya ng kwarto at nakarinig siya ng ungol galing sa kabilang kwarto kung saan natutulog si Dennis. Lalong lumakas ang ungol mula sa lalaki kaya naman sinubukan niyang buksan ang pinto. Sakto naman at hindi iyon nakakandado. Sa maliit na siwang na kanyang nagawa ay nasilip niya ito. May maliit na lamp shade sa gilid ng higaan nito kaya may liwanag pa rin sa loob. Tila binabangungot ito. Dagli siyang pumasok sa loob.
"Hindi.... hindi ako... hindi..." iyon ang paulit-ulit nitong sinasabi.
"Den? Den gising!" Nabahala na siya kaya sinimulan na niya itong gisingin. Nakahubad ang pang-itaas nito. Kitang-kita niya ang pawisan nitong katawan gayong malamig na sa gayong oras ng gabi.
"Haaaaaa!" Ilang saglit pa'y tuluyan na itong nagising. Mahigpit itong yumakap sa kanya. Ilang saglit pa'y narinig na niya itong lumuluha. Papa at kuya palang niya ang nakita niyang lalaking umiiyak ng totoo. Ang iba kasi'y mga artista na.
"Pssssshhh... tama na." Pagpapatahan niya rito. Gumanti siya ng yakap dito. Hinaplos niya ang likod nito. Wala siyang pakialam kahit pawisan pa iyon. Sampung minuto ang lumipas at gayon pa rin ang kanilang posisyon. Ang kaibahan lang ay muli ng nakatulog ang lalaki. "Yan ganyan. Nanay lang ang peg ko? Napatulog ko na ang bata."
Nang ihihiga na niya ito ay napasama siya sa paghiga. Aalis sana siya sa mga bisig nito pero lalo iyong humigpit. Sinubukan niya pa ulit na umalis pero hindi na niya magawa. Ayos lang naman na matulog katabi ka Den. With you abs and biceps na naka-display. Baka maging matamis pa ang panaginip ko.
Tunay namang naging masarap ang tulog niya sa tabi nito. Kinabukasan ay sabay silang nagising.
"I'm really sorry Maggie! Hindi kita ni-r**e ah! Walang nangyari sa atin!" Nauna pa itong bumangon sa kanya. He acted so weird and defensive.
"Oo wala nga. Nananaginip ka kasi kagabi. Umuungol ka kaya pinasok na kita rito. Hanggang sa... sa niyakap mo ako. Dito na ako nakatulog." Nauutal pa niyang paliwanag.
Umupo ito sa gilid ng kama. Tinabihan naman niya ito. "Thank you Magz."
"Wala yun. Masama ba yung napaginipan mo?" Sinubukan niyang alamin kung ano ang napaginipan nito.
"Oo eh. Pero wala lang yun... panaginip lang. Tara na breakfast tayo."
Dahil sa naging tugon nito ay winaglit na niya sa kanyang isipan ang tungkol sa kung ano man ang panaginip na iyon. Naikwento nito sa kanyang gumagana pa rin ang poso sa kabilang bahagi ng lupain. Doon talaga sila unang nagkita. Minabuti niyang maglibot naman sa bahaging iyon para muling maranasan ang paliligo sa poso. Sinamahan pa rin siya nito dahil mahirap na raw bombahin ang poso. Baka mahirapan daw siya sa pagpapalabas ng tubig. Nagdala sila ng timba at napagkasunduan nilang kapag napuno na iyon ay saka na siya nito iiwan upang malayang makaligo.
Habang naglalakad sila ay napansin niya ang walang tigil na pagtunog ng telepono nito. "May tumatawag yata sayo? Bakit hindi mo sagutin? Baka importante."
Tiningnan naman nito ang cp. "Hindi man. Sige patayin ko nalang." Pinalampas na naman niya iyon saka na kinalimutan pero may naisip siyang itanong dito.
"Baka girlfriend mo yun ah. May girlfriend ka na ba?" Hindi ito kaagad sumagot sa kanyang katanungan. Inalalayan muna siya nito sa isang bahagi ng kanilang dinaraanan na madamo. Hindi niya alam pero nananabik siya sa itutugon nito. Sa isang banda ay kinakabahan.
"Sa ngayon wala akong girlfriend. Matagal ng wala actually." Nakahinga siya ng maluwag.
"Nakailang girlfriend ka na ba?" Hindi na niya mapigilan ang sarili sa pagtatanong.
"Naka... lima na siguro." Tila nagbilang pa ito.
"Weh? Lima lang? Mamatey?" Sarkastiko niyang tugon dito.
"Oo nga. Pero wala naman talagang nagtagal. On-off kadalasan. Pinakamatagal na yata yung eight months. Wala eh kahit sa babae hindi ko pa nahahanap yung match ko na seseryosohin ko talaga." Paliwanag nito.
Baka naman kasi nasa tabi-tabi lang. O baka nasa tabi mo nga lang yung hinahanap mo. "Ah ganon ba?" Kunyari'y tugon niya.
"Ikaw ba? May boyfriend ka ba ngayon?" Sa kanya tuloy bumalik ang tanong.
"Ako? Wala eh!" Proud pa niyang tugon.
"For sure nakarami ka na ring boyfriend in the past." He said confidently.
"Ha? W-wala rin. Kasama ako sa NBSB clan eh." Napayuko siya. Mabuti nalang at natanaw na niya ang poso. Baka sakaling tumigil na ito sa kanilang usapan na siya rin naman ang nagpasimula.
"I don't believe you. Ikaw hindi nagka-boyfriend kahit na isa? Sa ganda mong yan!" Halos sumigaw na ito. Nahiya naman siya sa naging tugon nito.
"Wag mo ng ipagsigawan. Marinig ka ng mga puno oh. Pero totoo wala pa nga. Ewan ko ba, naging busy yata talaga ako sa priorities ko. Hayaan mo na." Narating din nila ang poso. Memories came back in flashes. Ang una nilang pagtatagpo. Tila napakahalagang bahagi iyon ng kanilang pagkakaibigan.
"May hinihintay ka bang right guy? May napupusuan ka na ba?" Nagtanong pa ito. Akala niya'y tapos na sila sa paksang 'yon.
Ikaw sana? Pwede ba? "Hindi ko rin alam eh. Ready naman ako if ever dumating siya." Tinalikuan niya ito para ilapag ang timba. "If ever na manligaw siya ganon. If ever na magka-boyfriend ako. Okay na rin. Matanda na rin ako no." Ano pang hinihintay mo?
"Mga katulad ko pa rin ba ang type mo?" Segundang tanong nito.
Hindi na itong magawang lingunin ni Maggie. Natuod na siya sa kinatatayuan. Paano niya magagawang itugon dito ang salitang 'oo'? Baka kung ano pa ang isipin nito. Dalagang Pilipina pa rin siya. Hindi dapat lumabas na siya ang humahabol dito at bet niya talaga ito. Dapat ay pakipot pa rin siya tulad ng nakagawian na niya. "Alam mo magbomba ka nalang para makaligo na ako."
"You didn't answer my question. I'll take that as a yes. Mga katulad ko pa rin ang pasok sa standards mo." She had a glimpse of him. Napansin niyang abot-tainga ang ngiti nito habang sinasabi iyon. Tila masaya itong malaman na ang tipo pa rin nito ang gusto niya. Kung puso nga niya ang pakikinggan ay si Dennis pa rin naman talaga. Si Dennis pa rin pala ang may kakayahang magdulot ng kakaibang pagyanig at kilig sa kanyang puso.
Hindi na siya sumagot pa dito. Tumingin-tingin siya sa paligid. Pinagmasdan ang bahaging iyon ng lupain. Ngunit sa totoo lang ay distracted siya flexing biceps ni Dennis sa bawat pagtaas baba nito sa hawakan ng poso. "Thank you so much Den! Okay na ako. You may leave na." Kaya naman ng mapuno ang timba ay agad na niya itong pinaalis bago pa mapuno ng polusyon ang kanyang utak. Labis naman niyang nagustuhan ang muling paliligo sa malamig at malinis na tubig ng poso. Wala na 'non sa Maynila puro chlorine ang tubig.
Pagbalik na siya sa bahay ng salubungin siya ng lalaki. Tila kaliligo lang din nito. Basa pa ang buhok. Higit sa lahat ay naka-topless lang ito. Nagsusumigaw ang six pack abs nito. Hey Maggie! Wanna touch me?
"Sorry hindi ko na nadampot ang damit ko. Kaliligo ko lang din. Naisip kitang salubungin dahil madamo nga rito baka may ahas." Saka nito kinuha ang dala niyang timba. Nakabalot lang siya ng tuwalya. Napansin niyang iniiwas nito ang paningin sa kanya. Bagay na ikinatuwa naman niya. Hindi talaga tulad ng ibang lalaki na masyadong m******s si Dennis. Alam din niyang near sighted ito kaya ng makalapit ay nag-iba na ng tingin. Ang problema ay siya, near and far sighted siya. Kitang-kita niya ang kakisigan nito.
Then everyday turned into paradise. Tila naulit ang summer love affair nila ni Dennis. Hindi na nila kailangang magpanggap na sweet sa harap ng mag-asawang Tere at Canor dahil iyon naman talaga ang kusang lumalabas sa pagitan nilang dalawa.
Nasa itaas na naman sila ng puno ng sampaloc. Tulad ng tanawin sa itaas ay naikumpara ni Maggie ang kanyang mga pangarap. Ngayong direktor na siya ay nais niyang mas mabigyang buhay ang programa at segment na kanyang minahal.
"Alam mo Den. May gusto akong mangyaring reformat sa Cupid's Match. Gusto ko sanang yung mga artista ay ipapares sa mga normal na tao lang. Sa tingin ko mas lalapit sa masa ang ganon. Mas totoo yung kilig at saya." In-open niya rito ang isa sa mga pangarap niya.
"Sa tingin ko hindi naman masamang subukan yan. Bakit mo naman naisip ang ganong klase ng concept?" Tanong nito.
"Matching and pairing kasi ang Cupid's Match hindi ba? Mga artista lang ba ang may karapatang mag-match? Kung mga normal na tao lang o basta hindi artista yung iba ay mas realistic ang concept ng isang perfect match. Mas realistic din na lalabas ang emotion kapag ganon. Sa totoong buhay naman kahit gaano pa kalayo ang difference niyo may chance na magkatuluyan pa rin kayo. Basta mapana ni kupido ang mga puso niyo." She explained while looking at the view from the top.
"Parang ang parents natin. Parang tayo..." napalingon siya rito. He suddenly grabbed her hand. Kung may kaso lang sa biglaang paghawak ng kamay ay baka sinampahan na niya ito. "Iba tayo ng views when it comes to our priorities in life. Kung tutuusin iba rin ang lahi natin. Pero ikaw ang sinisigaw ng puso ko Maggie." That was the exact moment na masasabi niyang tumalon na ang kanyang puso sa kanyang dibdib. Ang mga paru-paro sa kanyang tiyan ay walang tigil sa paglipad.
"Anong...?"
"Alam kong hindi ka tulad ng ibang mga babae. Gusto sana kitang ligawan Maggie Gusto sana kitang unahin sa priorities ko. If you just let me. I realized na ikaw yung babaeng hinahanap ko. Ikaw yung babaeng dapat seryosohin."
Parang panaginip lang ang lahat. Tatalunin sana ni Maggie ang puno para magising siya pero alam niyang ikamamatay niya 'yon. Kasi nga totoo ang lahat. Hindi siya nagkamali ng dinig. Hindi siya nangangarap lang. Saksi ang kalikasan. Best spot talaga ang itaas ng puno ng sampaloc. Siya talaga ang reyna. Reyna pa ngayon ng lalaking nagugustuhan niya.
"Oo naman. Kung hindi ka magpapapigil. Manligaw ka lang."