Chapter 5

2037 Words
Chapter Five   Ang mga sumunod na araw ay mas naging kapana-panabik sa pagitan nila Maggie at Dennis. Isang almusal ay nakapagsolo silang dalawa. Namalengke kasi ang mag-asawang Tere at Canor. Pritong itlog at tuyo lang ang inulam nila pero pareho nilang na-enjoy. Sinamahan pa ng mainit na gatas ng kalabaw na nilagyan ng kape.   Si Dennis mismo ang nagprito ng kanilang inulam. Prito lang 'yon pero napahanga na siya. Palibhasa'y hindi siya marunong magluto. Prito at pagsasaing nga'y hindi niya alam.   "Cheers!" Tinaas ni Maggie ang tasa na may lamang kape't gatas. Napunta na ang usapan nila sa kung bakit nga ba sampung taon  ang lumipas pero hindi nila nagawang magkita. Naipaliwanag na niya ang side niya. Mula sa nawala ang phone niya, naging busy sa school at work na hindi niya namalayang may social media na pala o mas magandang sabihing hindi talaga siya nahilig. Isama pa ang pagkakasakit ng mama niya at ang pagkamatay nito. "Siguro bata pa ako non and I really want to achieve my goals. And I love it." Dugtong pa niya.   "So hindi mo man lang ako na-miss pati na ang lugar na 'to." Seryosong tanong ni Dennis. Napatitig tuloy siya rito.   "Ha? God knows na na-miss ko ang lugar na ito. Gusto kong sumaglit dito noong college pero kahit summer break busy ako. Nang mag-work naman ako sinabayan na 'yon ng pagkakasakit ni mama. Nagbunga naman lahat ng pasakit at sakripisyo. Yung mga pangarap ko natutupad ko na." Yumuko siya.   "Nasaan ako don?" Agad na tanong ng lalaki.   Muli niyang ibinalik ang paningin dito. Hindi niya alam kung bakit nito tinatanong ang bagay na 'yon. "N-nag-exert naman ako nung una ng effort para di tayo mawalan ng communication. Pero kung gusto mong malaman kung na-miss kita." Napatigil siya. "O-oo. Oo naman. Naging espesyal ka sa akin. Sa huling summer ko rito. Kapag napapagod na ako. Kapag summer. Kapag gusto kong magbakasyon. Ang lugar na ito ang naaalal ko at lagi kang kasama sa mga alaalang 'yon." She honestly told him. Wala na kayang nakagawa ng mga memories na iniwan mo sa akin. Ikaw lang! My summer love. Plus yung promise ba tinupad mo. Naku Dennis!   "Kinilig ako." Sambit nito saka dumukdok sa mesa. Nabigla siya sa naging reaksyon nito.   "Kinilig?" Loko ka! Ako rin! Ang cute ng reaction mo. Parang di ka twenty five! Sa totoo lang ay napakadami niyang gustong idugtong.   "Oo!" Bulalas nito saka muling hinayag ang bahagyang namulang mukha. "Sino ba naman ang hindi kikiligin? Na-miss ako ng isang napakagandang babae? Kilig is not just for people who are in a relationship." Dugtong ni Dennis.   "Talaga lang ha? Oh siya maiba tayo. Nasa Manila ka rin naman pala nag-aral pero bakit di ikaw ang nag-effort para sa contact natin?"   "Sa Espanya ka naman kasi. Ako sa Ateneo. Parang imposible naman tayong magkita 'non. Take note and better kiligin ka rin. Lagi rin kitang naiisip everytime maisip ko ang nature, magliwaliw at sa tuwing naandito ako. I wish you were here." Saka siya nito kinindatan. Mabilis na dumagundong ang kanyang puso. Humigop siya ng gatas para hindi ito makahalata.   "Naging busy din ako. Sinubukan kong mag-aral ng mabuti. From engineering to accountancy to HRM. Pabalik-balik ako. Bumabagsak. I don't know what I want. Naka-graduate ako. Nag-modeling. Kumita. Nag-aartista na ngayon pero hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto. I'm just living my life everyday to pass by. Maswerte ka't nahanap mo na ang gusto mong gawin sa buhay." Kitang-kita niya ang disappointments sa mga mata nito. Naging seryoso rin ang timpla ng gwapong mukha ng lalaki. She felt the need to comfort him.   "Ateneo yun oh. Matalino ka Dennis. Malay mo naman mahanap mo na ngayon sa mundo ng showbiz ang passion mo. Yung career na perfect match sayo." She looked at him straight to give him encouragement.   "Masyado kasi yata akong naging dependent sa parents ko. Kung nasaan sila ay naandon ako. Ginagawa ko ang mga ginagawa nila. Pero alam mo..." saka nito kinuha ang kanyang mga kamay na ikinabigla na naman niya. Kamay ko yan uy! Pwedeng magsabi? Di ako prepared!   "Alam mo Magz, kaya ko siguro naenganyo ang parents ko to preserve this place 'cause I love nature. I love going to places eh. Kapag nagbabakasyon sa Australia at sa kung saan man dito sa Pilipinas lalo na rito ay nag-eenjoy ako. Nagsimula 'yon nung makilala kita."   "Ako?" Tanong niya. Mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay. Nanlalamig na iyon. Gusto niyang humigop ng gatas pero parang siya ang hinihigop ni Dennis sa mga titig nito. Isa pa'y nakakulong ang mga kamay niya sa mga kamay nito.   "Oo ikaw. I learned the importance of beautiful places dahil sayo. Magmula noong ipinangako ko sayong aalagaan ko 'to."   Then her heart screamed. Natutuwa siyang malaman na they contributed something for each other kahit magkalayo sila.   "Kaya sa tingin ko ay ikaw din ang magiging dahilan para mabigyan ng kahulugan ang pagpasok ko sa showbiz. Iba kapag nakakasama kita eh." Dugtong pa ni Dennis.   Masyado ng matagal ang holding hands nila sa ibabaw ng mesa kaya dagli na niyang binawi ang kanyang mga kamay. "Naku! Abangan!" Saka na niya nilagok ang natitirang laman ng kanyang tasa. "Ano bang talent mo?" Tanong niya rito.   He grinned. Saka siya nito hinatak papunta sa likod bahay. Napatakip naman siya ng bibig sa nakita.   "Wow!" Bulalas niya.   "Maganda pala ang may swing sa ganitong lugar. Pinapalitan ko yung dating nakalagay dito kay Mang Canor kaya ngayon ko lang to napakita sayo."   Sa likod bahay kasi ay may mga puno ng indian mango. May dalawang pinakamalapit na puno at doon itinali ang magkabilang dulo ng duyan na gawa sa itim na net. Noong bata pa si Maggie ay gumagawa rin ng ganoon ang kanyang papa. Masarap magpahinga at magmuni-muni sa habang nakahiga sa duyan.   "Maganda talaga." Masiglang tugon ni Maggie. "I love it!" Saka siya naupo roon. Gamit ang mga paa ay inugoy niya iyon ng ubod ng lakas. "Wooooh! Ang saya! Na-miss ko to! Haha!" Para siyang bata na naglalaro.   "Mabuti naman at nagustuhan mo." Binagalan niya ang pag-ugoy. Napansin niyang banayad siyang inuugoy ni Dennis. Nakangiti itong nakatitig sa kanya.   "Salamat ah." Sambit niya rito.   "Para sayo kahit ano." Napangiti nalang din siya. Puso na naman niya ang inuugoy nito.   "Alam mo mabuti pa ipakita mo nalang sa akin ang talent mo habang nakaupo ako rito. Papanuorin kita." Isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.   "Yan nga rin ang naisip ko kaya kita dinala rito. Be my mentor." Lumakad ito papunta sa kanyang harap. "What will I'm going to do madam?"   Inayos niya ang kanyang upo saka saglit na nag-isip. Umasta siyang parang hurado sa isang reality show. "Bilang artista dapat marunong kang umarte. Wala pa naman akong napanuod na show mo 'nong nasa kabila ka. Kaya naman pakitaan mo ako ng acting prowess mo."   "Okay sige. Ehem! Ehem!" Lumapit ito sa kanya. Kinuha ang kanyang mga kamay saka lumuhod. "Ayokong mawala ka sa buhay ko Maggie. You gave me reasons to live." Nagpapungay ito ng mga mata. Nagpaawa ng hilatsa ng mukha.   Sana hindi nalang aktingan to... sana totoong sinasabi mo sa akin ang katagang yan... Sa loob ni Maggie'y mabilis siyang nadala sa ginagawa ni Dennis. Sa dami naman kasi ng pipiliin nitong eksena ay yung romantic pa.   "Okay na!" Saka nito binawi ang kamay. Umupo rin siya ng indian seat sa duyan. "Convincing naman!"   Tumayo naman ang lalaki. "Okay na? Agad?"   "Oo pwede na yun! Bagay talaga sayo ang pang matinee idol. Young looking ka naman kaya marami pang mapapareha sayong aktres." Labas sa ilong niyang tugon. Ang totoo'y ayaw na niyang ituloy ang kilig scene. Hindi siya artista. Baka totohanin niya ang lahat. "Sayawan naman tayo."   "Naku sayaw? Sisiw!" He looked confident. Nakuha pa nitong tumalikod.   "Toooorooooo... toooo... toooo... toooo..." sariling sikap din si Dennis pati sa background music nito. Ito na rin ang nag-hum ng Careless Whisper. Humarap ito sa kanya habang gumigiling. He was so hot and sexy. Tinataas pa nito ang suot na t-shirt kaya nasisilip niya ang abs nito. Tama. May abs talaga ito. Napalunok nalang si Maggie. Hindi niya kinakaya ang talents ng lalaki.   "Stop! Stop!" Pagpapahinto niya rito. Napapikit pa siya.   "Hindi ba maganda? Hindi ba sexy?"   "Okay na! Okay na! Pwede ka ng dancer! Mae-enhance pa yan." Tugon niya saka siya nakahinga ng maluwag. Kapag pinagpatuloy pa nito ang pagsayaw ay baka kailanganin na niya ng oxygen. Kulang ang supply na nanggagaling sa mga puno.   "My favorite talent is singing." Umayos ito ng tindig with his killer smile.   Nagtaas kilay naman siya. Parang kanina lang ay nagha-hum ito. Sa tingin niya'y sarcastic ang pagkakasabi nito. Hindi talaga marunong kumanta si Dennis. "Sige nga padinig." Ipinikit niya ang kanyang mga mata.   "Wait here. Wait lang."   Bahagya niyang minulat ang mga mata. Nakita niyang tumatakbo ito pabalik sa loob ng bahay. Muling ipinikit ni Maggie ang mga mata. Naisip niyang baka sumuko na talaga si Dennis sa singing talent nito. She wanted to feel the fresh air while on the swing. Hangin na mismo ang nag-uugoy sa kanya. Mas masarap dito kapag may background music.   Ilang sandali pa ay parang nag-iimagine na siyang may tumutugtog na gitara. Napakaswabe ng bawat pagpitik ng string ng instrumento. Para siyang hinehele. Ilang saglit pa ay may awitin ng sumasaliw. Napakaganda ng boses ng lalaking kumakanta.   Minsan Oo Minsan hindi Minsan Tama Minsan Mali Umaabante Umaatras Kilos mong namimintas Kung Tunay nga ang Pag ibig mo Kaya mo bang Isigaw Iparating sa Mundo   Tumingin Saking Mata Magtapat ng Nadarama di Gusto ika'y Mawala Dahil handa akong ibigin ka kung maging tayo  'Sayo Lang ang Puso ko'   Dagling iminulat ni Maggie ang mata. Hindi lang kasi panaginip ang lahat. Tunay na may umaawit. For the nth time, her heart skip a bit. Kay Dennis nagmumula ang swabeng pag-awit at pagtugtog ng gitara. Nakaupo ito sa monobloc chair habang nakatitig sa kanya na parang siya'y hinaharana.   Tama na... Nais na naman sana niya itong patigilin pero ang boses nito'y sadyang mapanghalina. She found herself listening to every lyrics of the song until its very last word. Hindi niya akalaing ganon ang boses nito. Tuwid ng msgsalita ng Tagalog ang lalaki pero kung pagmamasdan ito ay parang may foreigner na pusong Pinoy na kumakanta ng OPM song.   Kailangan ba kitang iwasan sa twing lalapit may paalam ibang anyo sa karamihan iba rin pag tayo, iba rin pag tayo lang   Tumingin Saking Mata Magtapat ng Nadarama di Gusto ika'y Mawala Dahil handa akong ibigin ka kung maging tayo  (Kung maging tayo) Kung maging tayo (Kung maging tayo) Kung Maging Tayo 'Sayo Lang ang Puso ko'   Marami na talaga siyang hindi alam. Multi-talented pala talaga si Dennis. Napapalakpak nalang siya. "You are in! Welcome to the entertainment industry Dennis."   Nilapag nito ang gitara sa upuan saka lumapit sa kanya. "I know right? Pero nagustuhan mo ba talaga? Ikaw ang unang babaeng inawitan ko. I used to do that inside my room or when I'm alone here. I love OPM kasi than Western music. For me mas may puso kapag Filipino ang gumawa ng kanta."   Napagtanto niyang espesyal pala ang sandaling 'yon. Unang beses nitong kumanta sa harap ng isang babae. At siya pa ang babaeng yon. Haba ng hair ko! Kilig!   "Oo naman nagustuhan ko 'no. Thank you for choosing me to be the first girl na kinantahan mo. Sana hindi ka napilitan lang! At I love OPM din." Nakuha pa niyang magbiro sa huli.   "Of course not. That was especially for you." He winked.   Mahina niya itong hinampas sa braso. "Luku-luko."   "Kaya pala wala kayo sa loob ay! Dito kayo naglalambingan!" Nagkatinginan sila sa biglang pagpasok sa eksena ng mag-asawang Tere at Canor. Si Aling Tere nga ay panunukso kaagad ang bungad. Marahil ay nakarating na ang mga ito galing sa pamamalengke.   Inunahan na nila ito. Nakwento na kasi niya ang kanyang trabaho sa mga ito. Sinabi niyang tinitingnan niya lang ang mga talento ni Dennis.   "Naku mam! Pinapanuod po talaga namin ang Eats Time lalo na yung Cupid's Match. Eh hindi ho ba si Sir ay magiging guest nyo 'don? Bakit hindi ho natin siya i-practice ngayon?!" Walang anu-ano'y suhestyon ni Aling Tere na tila nagustuhan naman ni Maggie. Nag-apir pa sila.   "Tama po kayo! Sanayin na nating magpakilig si Dennis." That's comimg from me talaga? Eh kanina pa nga ako kinikilig sa kanya!   "Dahil kayo po mam ay magkasintahan na. Sayo niya po sasabihin ang nga banat niya. Dapat kiligin kayo!" Yun lang sa huli'y kasama pa rin talaga siya. Ngunit naisip niyang maganda ang ideya nito. Pick up lines ng lalaki para sa babae. Dagdag kilig nga iyon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD