Chapter Four
Hindi kaagad nakaimik si Maggie sa tanong ni Dennis. Hindi siya makapaniwalang naandon ang lalaki. Mas gwapo talaga ito sa personal kaysa sa mga nakita niyang picture sa internet. Sampung taon at mas lalo itong naging lalaking-lalaki. Baby face pero hot. Mas hot pa sa Bicol express!
"Okay lang ako. S-salamat sayo." Sa wakas ay nakatugon din siya.
"Are you sure?" Paniniguro nito with his most serious face yet so seductive.
"Yes! Sure na sure!" Napataas pa siya ng mga braso.
"I'm so happy to see you here." Biglang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Para siyang tinutunaw. Napanganga nalang siya na mabilis niya ring isinara. Baka may lumabas na laway, mahirap na.
"Ako din!"
"So kumusta?" Tanong nito.
"Ganito talaga tayo magkukwentuhan no? Enjoy naman pero pwedeng ibaba mo na ako?" Pinungayan niya ito ng mga mata.
"Oh! Sorry!" Marahan naman nitong sinunod ang kanyang kahilingan. Pagtayo niya ay saka sila nagtitigan. Pinagmasdan nila ang kabuuan ng isa't-isa. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga titig nito. Pero siya, alam niyang si Dennis pa rin ang pinakagwapong lalaki para sa kanya. Ang muscles nito mas firm na. Alam niyang sa loob ng suot nitong slim fit na shirt ay nagtatago ang gym body nito. Hindi nalang ito mukhang fifteen year old guy. Mukha na itong twenty five year old man. Sizzling hot man. Pero young looking.
"You are still very beautiful and lovely." Naunang papuri nito para sa kanya. Napayuko siya at napaayos ng buhok. Yung feeling na may nagsabi ulit sa kanya ng ganoong mga adjective. May lovely pa ngayon. Pero agad niyang tinaas ang kanyang ulo. Hindi pa rin siya nagbabago. Kunyari'y walang epekto iyon sa kanya.
"Thanks! Ikaw din naman artistahin ka pa rin. Nag-aartista ka na nga eh." Tugon niya.
"Alam mo na pala. You know what masarap magkwentuhan sa taas ng puno. Tara?" Anyaya nito.
Hindi naman siya tumanggi. Nauna siyang umakyat saka ito sumunod. Wala pa siyang sa isang-kapat ay saka isang malakas na kalabog ang kanyang narinig. Paglingon niya ay si Dennis na nakahandusay sa lupa.
"Den?! Anong...?" Dali-dali siyang bumaba para tingnan ang lagay nito. Wala na itong malay. "Den? Dennis?" Hindi siya makapaniwalang nahulog kaagad ito sa ganoong kababa palang. Dalawang minuto na pero hindi pa rin ito tumitinag. Kinakabahan na siya.
"Hoy Dennis hindi magandang biro to? Hindi ka na ba sanay umakyat? Ako din naman eh! Wag mo na akong lokohin." Nariyan na ang paluin at himasin niya ito sa braso at dibdib pero wala pa rin itong reaksyon. Tatayo na sana siya ng bigka siya nitong higitin.
"Okay fine. I'm just kidding. I'm just checking kung ano naman ang gagawin mo kapag ako ang nahulog." Sambit nito.
Hindi siya makagalaw sa kanilang posisyon. Nakayakap ito sa kanya at ang mukha niya ay nasa dibdib nito. Given na ang matigas nitong chest muscle pero mas gusto niyang marinig kung ano na nga ba ang tinitibok ng pusong nasa loob 'non.
"Luku-luko ka pa rin." Bulong niya.
"Kung luku-luko ako edi sana hindi ko tinupad ang pangako ko sayong panatilihin kung ano ang meron sa lugar na ito." Sambit nito. Ang sinabi nito ang pinakamahalaga sa lahat. His words. His commitment to his promise. Walang makakapantay doon. Kahit sobrang appreciated niya ang pisikal na anyo ni Dennis ay mas namangha siya sa katotohanang ang pamilya pa rin nito ang nangangalaga sa lugar.
"Talaga bang hindi kayo umalis dito?" Tanong ni Maggie.
"There was a point that they wanted to give up this property. Nagkaroon kasi ng salon business si mom sa Manila. Ako naman nag-aaral. But I never give up encouraging them that this place was special lalo si dad dahil close ito sa nature ng Australia. Kumuha sila ng mga tao na mag-maintain sa lugar. Sila aling Tere at Mang Canor. Mag-asawang walang anak na nakilala ni mom sa labas ng salon niya. Nagtitinda ng sigarilyo at candy. Pinasemento na namin yung bahay. The rest well-preserved pa rin. Naging bakasyunan na namin ito. Escape from the city. Yung gandang minahal mo rito ay nakita ko rin. Basta sa loob ng isang taon dumadalaw kami rito kahit hindi pa kami sama-sama tulad ngayon." Kwento ni Dennis.
Her eyes literally got teary. "Thank you Den. Thank you."
Bago pa siya tuluyang maging emosyonal ay tinuloy na nila ang pag-akyat sa itaas ng puno. Doon sila nagpatuloy sa kwentuhan.
Napag-alaman niyang Hotel and Restaurant Management ang kinuha nito sa kadahilanang wala na itong maisip na ibang kurso. Hindi pa rin nito alam ang gustong gawin sa buhay. Nagmodelo ito ng makatapos at naging mabenta dahil sa angking itsura. Hanggang sa nakita ito ng agent ng kalabang istasyon at lumabas sa ilang programa. Wala pa naman itong kontrata sa TV27 kaya ng mamataan ito ng talent manager na si NJ Gamboa ay pinapirma na ito ng kontrata at pinalipat sa Diamond TV kung saan ito pinangakuan ng mas magandang career.
Isang linggo na ng matapos ang workshop nito kaya pinili na muna rin nitong magbakasyon. Ang una nitong magiging comeback appearance ay sa Eats Time na. Bagay na pinananabikan na ni Maggie. Mai-inspired talaga siyang magbalik trabaho. Naibahagi na rin niya rito ang mga nangyari sa kanya sa loob ng sampung taon. Pinakansela na nito sa kanya ang reservation sa Calaguas na agad naman niyang sinunod. Dito na niya bubunuin sa kanyang pinakamamahal na lugar ang dalawang buwang bakasyon. Kasama si Dennis.
Pagbaba ay pinakilala siya nito kila Aling Tere at Mang Canor. Tuwang-tuwa naman siya sa dalawang kwelang matanda lalo na sa tila hindi nauupos na pagmamahalan ng mga ito para sa isa't-isa. Magkahawak pa rin ang mga ito ng kamay kapag magkasamang naglalakad.
"Naku Sir siya po ang unang babaeng dinala niyo rito. Napakaganda niya! Bagay na bagay po kayo!" Bulalas ni Aling Tere.
"H-hin..."
"Opo nga Sir! Ganyan din kaganda ang Tere ko noong hindi pa siya nabubungi." Tutugon na sana si Dennis pero agad na nanggatong si Mang Canor. Natawa naman siya.
"Hindi..." siya na sana ang magpapasubali sa dalawa pero mabilis pa sa kidlat ang bibig ng matandang babae.
"Nako Mam! Ang swerte niyo kay Sir. Kung gaano siya kaalaga rito sa lugar siguradong ganon din siya kaalaga sa inyo! Tender love and care!" Nag-apir pa ang mag-asawa.
Napangisi nalang siya. Eh kung pwede nga lang po eh kaso hindi po kami. Sa isip nalang niya sinagot ang mga 'to.
Nabigla naman siya ng bigla siyang akbayan ni Dennis. "For sure naman nararamdaman yang tender love and care ng Sugarcone Ice cream ko. The best boyfriend kaya ako." Mas ikinagulat niya ang lumabas sa bibig nito. Kinilig naman ang mag-asawa saka na sila nakapasok sa loob ng bahay. Nakaakbay pa rin ito sa kanya at siya naman ay napuno ng pagtataka at lihim na kilig.
"Teka! Teka nga Den ah!" Inalis niya ang kamay nito sa kanyang balikat. "Ano to? Ano yung sinabi mo sa kanila? Ano yung Sugarcone Ice Cream? Best boyfriend? Ikaw?"
"Hayaan mo na yun Sugarcone Ice Cream ko." Hinaplos nito ang kanyang pisngi habang nakatitig ng malagkit sa kanyang mga mata. "Di mo ba nakita kung gaano kakulit yung dalawa? Sakyan nalang natin para matapos na."
"Sakyan? So magpapanggap tayo na tayo? Ikaw at ako ay tayo? Ganon ba?"
"Ayaw mo ba?" Tanong nito at biglang dinikit ang mukha sa kanyang mukha. His lips was one inch away from hers. Napaurong siya hanggang sa mapasandal siya sa pader. She heard how he breath while continuing that manly look towards her. Ibang klase ang asul nitong mga mata. Parang may kilig laser na kaya siyang tunawin anumang oras.
"Den..." hindi siya makatugon sa tanong nito. Ayaw niya ba? Choosy pa te? Syempre gusto mo! Pabebe lang?
"Joke lang!" Saka ito lumayo sa kanya at tumawa. "Tinakot ba kita?"
Mabuti nalang at hindi siya nakatugon kung hindi ay siya ang malilintikan. Lumapit siya at hinampas niya ito sa braso. "Ikaw ah masyado kang nagiging palabiro." Mas lumapit pa siya at sinabit niya ang mga braso sa balikat nito. Hindi niya makakapayag na parating siya ang nabibiktima nito. Inamoy-amoy niya ang labi nito. "What if pumayag akong maging tayo?" Malakas ang loob niyang gawin ang ganitong mga bagay dahil si Dennis naman ito. Kung makikita lang siya ng mga hawak niyang tao ay baka sabihing napaka-game niya pala. Ang lalaki lang ang nakakapagpalabas ang kakalugan niya sa katawan. Nawawala yung seryoso at istriktang imahen niya.
"Ayos lang." Tugon nito saka mabilis na pinadapo ang labi sa kanyang mga labi. Saglit lang na nagdikit ang mga 'yon pero makapangyarihan. Magical. Hindi niya sa ganito kaagad mapupunta ang kanilang biruan. "I'm really sorry Magz. Hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako."
"Sorry din. Nagjo-joke lang din ako no! Gumaganti lang ako sayo." Paliwanag naman ni Maggie.
Spell awkward na ang mga sumunod na sandali. Hinatid siya nito sa loob ng kwartong kanyang tutuluyan. Iba na iyon sa dati niyang kwarto pero ang mahalaga ay ito pa rin ang lugar na minsan at palagi niyang mamahalin.
Napasandal siya sa pinto pagpasok ng silid. She wanted to burst out her emotion by screaming pero nakapagpigil pa rin siya. Unang araw palang ito ng kulang dalawang buwan niyang bakasyon sa lugar. Isang linggo kasi bago ang opisyal niyang pagbabalik trabaho bilang isa ng direktor ay napagdesisyunan niyang bumalik na ng Maynila. Pero ngayon ay gusto na niyang mag-extend.
"Grabe siya..." bulong niya. Kahit pa siguro gaano katagal ang lumipas na panahon ay laging may kakaibang kilig na ihahatid sa kanya si Dennis. He was her summer love. The very first guy who caught her attention and compliment her as a woman. Her first kiss kahit sa cheeks lang iyon at ngayon ay smack sa labi. Hindi naman siya ipokrita. May mga nagwapuhan din siyang lalaki sa showbiz. Pero ginawa ba ng mga lalaking yon ang ginawa ni Dennis para sa kanya? Hindi naman. Lalo na ang pangako nitong sampung taon na ang lumipas pero natupad pa rin nito. Puso niya kaagad ang napuntirya nito. Paano na sa mga susunod na araw?
Hindi pa sila agad natulog sa gabing iyon. Pareho silang patay malisya sa mga nangyari. Sabay-sabay silang kumain kasama ang mga katiwala. Gets na niyang sinabi lang ni Dennis na magkasintahan sila para tumigil na sa kakulitan ang dalawa. Pero hindi nila kailangang magpanggap. Bahala na ang dalawang matanda sa iisipin ng mga 'to. Isa pa'y extra sweet naman talaga ang binata sa kanya. Kung makaasikaso ay wagas.
"Alam niyo po Sir at Mam ang sarap umibig ano ho? Lalo na kung may subuan pa sa pagkain tulad nito." Sambit ni Mang Canor ng nasa kalagitnaan na sila ng hapunan. Sinubuan ng matandang lalaki ang asawa nito. Kinilig naman si Aling Tere.
Napangiti nalang si Maggie. Naisip niyang nag-aabang ng kilig gesture ang dalawa mula sa kanila ni Dennis. Nagkatinginan sila. Hindi niya alam kung sasakyan na naman nito ang mag-asawa. Pinagpatuloy nalang niya ang pagkain. Susubo na sana siya ng makitang may ibang kutsara at kamay malapit sa kanyang bibig. Tatlo na ang kamay ko? Pagtingin niya'y akmang susubuan na pala siya ni Dennis. Isa lang ang ibig sabihin nito. Sasakyan na naman nila ang mag-asawa.
Sinubo naman niya iyon. Pinunasan pa nito ang gilid ng kanyang labi. "Salamat." Saad niya. Bakit na ba hindi siya makatanggi sa sakayang nagaganap? Pwede namang sabihin nalang nilang bigla-bigla na hindi naman talaga sila. Ang sagot ay dahil gusto rin naman ito ni Maggie. Gusto rin kaya ni Dennis? O baka gusto niya lang i-satisfy ang expectation ng dalawa.
Hanggang sa matapos ang hapunan ay ilang beses silang nagsubuan ng pagkain. Yung feels na may nobyo kahit sabihin ng hindi totoo ay naramdaman ni Maggie. Nasaan ba ako for the past ten years? Bakit walang ganitong moment noon?