CHAPTER NINETY Hinarap na ni Bel ang lalaki. “Evan? Eve?” tanong niya rito. Nagtataka man siya dahil lubos niyang inakala na si Elan na ang lumapit noon pala ay ang kakambal nito ay nagyakap pa rin sila ng mahigpit. After twelve years ay reunited na sila ng kababata. Na-miss niya rin ito. Babaeng-babae na ngayon ang Evan na kayakap niya. Ganap na itong Eve. Ang nakakapagtaka lang ay parang yakap ni Elan ang nararamdaman niya habang kayakap ito. Ito yung yakap na nakakawala ng lungkot at sakit. Ito yung yakap na matagal na nyang hinahanap. Pero imposible dahil si Evan ito. Itsura palang ay Evan na. “I miss you much Eve. I’m sorry kung ngayon lang ako bumalik. I’m sorry dahil sa ganitong pagkakataon pa tayo muling magkikita.” Bulong niya rito. “I miss you so much.” Boses ng lalaki ang

