CHAPTER NINETY ONE Matapos kausapin ni Evan ang lalaking kanina’y nilalandi si Bel ay isa na namang lalaki ang lumapit sa kanya. Pasimple siya nitong hinawakan sa braso saka isinama sa isang kotse sa labas ng mansyon. Pagpasok sa kotse ay kaagad na hinatak ng lalaki ang scarf sa kanyang leeg. Halata sa mga titig nitong naiinis ito sa kanya. “Tol why it seems to me that you’re messing all our plans! Almost two years nating pinagplanuhan to tapos parang wala ka sa sarili mo?!” sabi sa kanya ni Jeric. Best friend nina Elan at Evan ang lalaki magmula pa noong high school. May lihim itong pagtangi sa transgender na si Evan o mas kilala sa Eve ngunit hindi nito inaamin sa kanila at sa kanyang sarili. Maliban sa hindi katanggap-tanggap sa lipunan ay may nobyo na si Eve kaya minabuti nalang nit

