CHAPTER NINETY TWO Ilang damit lang ang dala ni Bel. Kulay puti at itim pa ang mga ito upang iakma sa sitwasyon. She decided to borrow a dress from Eve. Hinayaan naman siya niyong mamili sa closet nito. Napakarami nitong magagandang damit. Nahihirapan siyang mamili. Dapat ba medyo daring o conservative? Elegant ba o classy? Tanong niya sa sarili habang nasa harap malaking salamin sa loob ng kwarto ni Eve. “Eve? Eve?” tinawag niya ang kababata ngunit hindi ito dumarating. Naisip niyang baka abala na ito sa pag-aasikaso sa baba. Bahagya tuloy siyang nakonsensya dahil funeral service pa nga pala ni Elyssa. Pero sumagi rin sa kanyang isip na baka kailangan ngayon ni Elan ng karamay. Nawalan ito ng ina. Baka ito na ang pagkakataon niyang iparamdam sa lalaki na siya naman ang handang dumamay

