CHAPTER NINETY THREE Pagluwa kay Bel sa pinto ng kwarto ni Evan ay nakita na niya ang kababatang nasa loob. Nginitian lamang siya nito ng matamis. Parang napakasaya nito. Hindi siya nagpahalata sa kanyang mga pagdududa. Papalipasin na muna niya ang mga iyon dahil bukas na rin naman ang libing ni Elyssa. Iyon ang pinakamahalaga sa ngayon. Humingi na rin ng tulong si Elan sa kanya habang si Evan na itong muli. Pinagtapat na nito ang hinalang ang ama niya ang pumatay kay Elyssa. “Pinagbibintangan mo ba si Daddy, Eve? Nagpakamatay si TIta hindi ba? Uminom siya ng lason.” Paglilinaw ni Bel sa pinagtapat ni Elan. “Hindi ako naniniwalang magagawa ni Mommy na magpakamatay. She’s God-fearing. You know that. May mali sa nangyayari.” Kahit na gusto ng maging emosyonal ni Elan at magwala kapag nai

