CHAPTER NINETY FOUR Patay malisya na naman si Bel pagbalik ni Elan galing sa munisipyo. Pareho silang walang nahanap na ebidensya sa una nilang pagsubok na hanapin ang mga ito. Walang nahanap ang mga katulong na dokumento sa loob ng kwarto ni Elyssa. Wala ring nakita si Elan sa pagpunta niya sa opisina ng ina. Kapag hindi abala noon si Evan sa fashion designing ay ito na rin ang nagsisilbing political adviser ng kanyang ina. Madalas din ito noon sa munisipyo kaya hindi pagdududahan kung pupunta ito ngayon sa katauhan ni Elan. Hindi sila susuko hanggang sa makita ang mga ebidensyang magpapabagsak sa gobernador. Ngayon ko aalamin ang isang bagay na dapat ko na ring malaman. Ayan ang iniisip ni Bel habang nagpapalitan sila ng kwento ni Elan. “Paano magpapalit na muna ako Bel ha? Pwede b

