CHAPTER EIGHTY EIGHT Niyakap din ng mahigpit ni Bel si Elan. Habang magkayakap ay tila nawala ang lumbay na nararamdaman niya. Kung pwedeng manatili nalang siya sa mga bisig nito ay iyon ang pipiliin niya. “Mami-miss kita.” Sabi ni Bel sabay sa muli niyang paghikbi. “Hindi mo ako mami-miss dahil hindi naman kita iiwan eh. Agad na akong uuwi every Friday para hindi ka masaktan ni Monster.” Umalis ito sa pagkakayakap sa kanya. “Sino si Monster?” tanong niya. “Eh sino pa ba? Yung Daddy mo. Si Uncle Monster.” Tumayo pa ito at umastang nilalakihan ang katawan. Mataba kasi at malaki ang tiyan ni Senando. Sabay silang tumawa at nawala ang seryosong awra ng paligid. Alam talagang pasayahin ni Elan si Bel. “Mami-miss ko yang kakulitan mo.” Pilit na ngiti ang naiwan sa labi ni Bel mula sa kan

