Miss Cupid's Match Season 8: He's a Shemale for Revenge, She's Into Him for Love CHAPTER EIGHTY SEVEN 2002 Nagtatago na naman si Bel sa ilalim ng mahabang hagdan na gawa sa narra. Ang interior design ng lumang mansyon ay gawa sa mamahalin at de kalibreng uri ng mga kahoy mula sa pinakamatitibay na puno. Ang labas naman ng mansyon ay konkreto ngunit ang pinakapampaganda at umaagaw ng pansin sa mga dumaraan sa labas ay ang disenyo rin nitong kahoy sa bawat sulok ng bintana at ng malaking pinto na gawa sa molabe. Matatanaw lamang ang mansyon sa malaking gate sa harap nito. Dinig niya ang bawat hakbang na dulot ng mga paa ng kanyang ama. Nanginginig si Bel sa takot. Kapag nakita siya nito ay siguradong pisikal at berbal na namang p*******t ang kanyang matitikman. Lagi na lamang nag-iinit a

