Chapter Eighty Three "Lola Eleanor!" Bulalas ni Jessa pagdating sa mansyon ng matanda. Limang buwan na ang kanyang tiyan. Pinilit niyang tumakbo pero pinigilan pa rin siya ni Tom. "Jessa hija!" Natatandaan pa rin siya ng matanda. Agad siya nitong niyakap. Nagmano naman si Tom sa lola nito. "Lola sorry po talaga dahil hindi kami nakakabisita ni Tom. Sobrang selan po ng pagbubuntis ko. Pinilit ko nga lang po si Tom na magpunta rito sa pangakong hindi ako magpapa-stress." Paliwanag niya sa nakatatanda. "Ako ang patawarin niyo mga apo. Matanda na ang lola. Hindi na rin ako makaalis ng bahay. Ngunit noon malaman kong nagdadalang tao ka na at sa apo ko pang si Tom ay kasama akong nananalangin para sa bata at sa pagsasama ninyong dalawa. Labis ang kasiyahan ko hija, hijo." Kitang-kita nila s

