Chapter Eighty Two Pagmulat ng mga mata ni Jessa ay nasa loob na siya ng hospital room. Mahigpit na nakakapit sa kanya si Tom. Iginala niya ang kanyang paningin at naroon din ang kanyang mga magulang. Naroon si Anna at dalawa pang may katandaang mga tao. Isang lalaki at isang babae. Pamilyar sa kanya ang lalaki, ito ang ama ni Tom na nakasama ni Lucas noon sa panloloko sa kanya. "Ano'ng meron? Pwede na ba akong umuwi? Nahilo lang ako." Si Tom ang una niyang kinausap. Ginantihan niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "Oo uuwi na tayo mamaya. Pero kailangan mo pang magpahinga ng kaunti. Kailangan niyo pang magpahinga." Malumanay na tugon ng lalaki habang gumuguhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Kumunot ang kanyang noo. "Niyo? Sino pa'ng nasa ospital?" Tanong ni

