Chapter Eighty "So friends na kayo ganon? Close na kayo?" Walang tigil sa pag-interrogate kay Jessa si Anna. "Beshie naman..." "Wag mo kong ma-beshie-beshie. Sagutin mo ang tanong ko. Gusto mo na? Si Handkerchief Guy pa pala eh oh!" Saka siya kinindatan nito. "Sira ka Anna! Hindi naman yan yung tanong mo kanina." "Ah hindi ba?" Saka sila umayos ng upo. Biyernes na at pareho ng sabik ang magkaibigan sa quest to find Lolo Leon. "Pero na nga? Friends na kayo? Close na?" "We'll get their siguro. Hindi natin alam. Mas madalas ko siyang makakasama. Nakilala ko na siya kagabi. Masarap siyang kausap. Walang sandaling na-bore ako. Sana mas makilala ko pa siya." Saka kusang gumihit ang ngiti sa kanyang mga labi. "Alam mo Jessa. Payong kaibigan lang. Alam naman nating hot si Tom. Gwapo. Sa loo

