Chapter Seventy Nine Maghapong nakamasid at nagpapaka-imbestigador si Jessa kay Tom. She had another reason to be interested about him. "Beshie... pano ko malalaman ang next lakad niya? O kung saan siya pupunta? O basta dapat malaman natin kung bading nga siya?" Bulong niya kay Anna. "Beshie hindi ko rin alam. Alam mo dapat casual nalang kayo ni Tom di ba? Bakit pinapasok mo ngayon ang mundo niya? Naku beshie kapag ikaw ay hindi na nakalabas dyan. Sinasabi ko sayo." "Aba matindi ka beshie ah? Kahapon lang kung masuportahan mo ako ah. Tapos ngayon?" "Sinasabi ko lang sayo Jessa Baguio ang pwede pang mangyari. Pero bibigyan naman kita ng advice. Siguro dapat marinig mo siyang kausap yung kasama niyang bading o dapat malaman mo ang sched niya out of office? Baka kasi makipagkita siya ul

