Lisa POV "Good morning, babe!” “Hmm,” pagtutol na ungol ko, tumagilid ako sa kabilang side ng kama. Narinig ko ang mga tawa niya. Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. Inihila palapit sa kanyang mainit na katawan. “Babe,” tawag niyang muli sa akin na nilalabanan ko ang panggugulo niya sa pagtulog ko. Gusto ko pang matulog. “Wake up na, babe,” malambing niyang paggising sa akin. Humigpit ang yakap niya sa aking tagiliran. Bahagya niyang natamaan ang parte ng katawan ko na may pinakamalakas na kiliti sa aking katawan. Napaigtad ako dahil doon. Isang bungisngis ang lumabas sa aking bibig. “Antok pa ako. Mamaya pa kaunti,” pagtutol ko sa kanya. Inilayo ang sarili ko sa kanya ngunit ayaw niya ako bitawan. “Gising ka na, babe. It’s Saturday. May pupuntahan pa tayo.” Pag-aya niy

