Lisa POV “Opps! At saan ka pupunta?” Itinaas ko ang isang kamay ko sa may tapat ng dibdib niya. Pinipigilan siyang maglakad. Sabay kaming nagtungo papasok dito sa may closet ng kwarto niya. Akala ko nagkataon lang at may kukunin siya dito, kaya laking pagtataka ko nang pumasok din ito sa loob ng banyo kung saan ang tungo ko. Nakangisi siyang umiling sa akin. Nagkibit balikat sa tanong ko sa kanya. “Wala. Sasamahan lang kita.” aniya na sa tonong obvious naman na sagot sa tanong ko. “Bakit? Mawawala ba ako dito para samahan mo pa?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Hindi kumbinsido sa isinagot niya sa akin. “H-hindi naman. Bakit? Gusto ko lang naman sumama sa ‘yo.” saad niyang naka-nguso sa akin kapagkuwan ay itinuro ang loob ng shower room na nandito sa loob ng banyo niya. Itinulak ko

