Lisa POV “Ba-bakit?” kinakabahang tanong ko sa lalaking ‘di naiilang na nakatitig sa akin. Humaplos ang thumb niya na naka-dantay sa ibabaw ng kamay ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko, pakiramdam ko kasi. . . sinusunog ako ng mga titig niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Something na . . . naiihi ako? Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Huminga lang ito sandali nang malalim at agad ding ibinalik sa manibela ang kanyang mga kamay. Tumingin sa harapan nang marinig namin ang mga katabing ugong ng mga sasakyan. Huminto lamang kami dahil sa nag-stoplight. Bumalik kaming pareho sa kanya-kanyang mga mundo namin. Sa mga kanya-kanyang iniisip. Sa mga kanya-kanyang tingin. . . ako sa gilid ng bintana ko. Siya naman nag-focus sa tinatahak naming daan. Ilang buntong-

