Lisa POV “Alam mo ang kulit mo din eh, ‘no?” Akusa ko sa kaniya na hawak ang isang kamay ko. Inihila niya ako sa kung saan na ‘di ko alam. “Yeah,” pag-aamin niya. Nilingon niya ako na may mga ngisi sa kanyang mga labi. Nawawala ang LED kite na binili niya kanina. Pinapalipad lang namin ito kanina nang tangayin ng hangin at mapunta sa kung saan. Siya ang nagko-control sa controller at ako naman ang nagpapagana ng energy nito na nagmumula sa solar. Ang ganda ng kite na ito, parang drone lang pero hugis ibon na may iba’t ibang kulay. Nakaka-missed ang paglalaro ng totoong sarangola pero iba ang saya kapag-napapalipad mo ang LED kite na ito. Feeling— bata muli. Iba ang saya at excitement na nararamdaman ko. Namin. Mabuti na lang dinala niya ako dito. “Nasaan ba kasi? Tingnan mo ngang mabu

