Lisa POV “Ahh!” sigaw ko nang mawalan ako ng balance mula sa pagkakaupo ko sa mga balikat ni Fier. Kumapit naman ako sa sanga ngunit talagang ‘di ko matiis ang kati at kilabot na hatid ng kung ano mang bagay ang naramdaman kong gumapang sa akin. Takot na takot ako. At mas lalong takot na takot na baka mahulog ako sa damuhang lupa na ito. Hindi naman ganoong kahahaba ang mga damo dito. Lupa pa rin naman ang kababagsakan namin. Lupa na nakalabas ang mga malalaking ugat ng mga punong nakatanim dito. Pumikit ako nang mariin. Hinintay ang masakit. Malakas. At ang paggutay-gutay ng mga buto-buto ko. Ngunit ilang sandali na ang nakalipas wala akong naramdaman. Bagkus, para akong hinihele. Isang malambot na bagay ang dumampi sa aking mga labi. Ano ito? A touch of lupa sa labi ko? Ang lambot, ah

