Chapter 7

1321 Words
Chapter 7 ALISHA Iniwan ko ang lalaki na nakatulala at para bang naputulan ng dila dahil sa sinabi ko. Nakasakay na ako sa kotse nang lingonin ko ang lalaki kung saan nakita ko ang limang mga naka-tuxedo na lalaki na inalalayan siyang tumayo. Sa tingin ko ay mga bodyguards niya ang mga iyon. Ngumisi na lamang ako saka sinuot ang sunglass at umayos ng upo. "Manong, pupunta tayo sa company pero dumaan muna tayo sa Shimmer's Fashion Boutique." "Sige po ma'am," sagot ng driver ko. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating din kami sa boutique na sinasabi ko. Excited akong bumaba hindi dahil sa mga mamahalin na damit na naroon kung ang makita ang magandang may-ari ng boutique na iyon na talagang iniidolo. Si Ms. Diane. Una ko siyang nakita sa magazine at talaga naman na humanga ako sa ganda na taglay niya. Para siyang diyosa. Panigurado maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya. Ngunit bahagya lamang akong nadismaya kasi sinabi sa akin ng isang saleslady na wala si Ms. Diane doon. Nag-out of town daw ito. Sayang... nakahanda na ang camera ko eh. Pero dibale may pagkakataon pa naman. Nagpa-assist na lamang ako sa saleslady na naroon. Kinse minutos ang lumipas ay nakahanap na ako ng masusuot ko. Isang business attire ang sinuot ko. Pencil cut na palda at long sleeves pastel color na polo na pinaresan ng bandana sa leeg. Pinusot ko ang abot bewang kong buhok para mas magmukhang elegante ang dating ko. thanks to Miss Anna para pagtuturo sa akin about sa tamang pagpili at pagcombine ng mga damit. Ilang minuto ang lumipas ay tiningnan ko ang saleslady na nasa tabi ko. "Ok na ba 'to, Miss?" tanong ko sa saleslady ng Shimmer's Fashion Boutique. Isang sikat na bilihan na fashion boutique sa lugar. Pinagkakaguluhan ang boutique na iyon ng mga mayaman. Magaganda at may kalidad kasi ang bawat damit na binebenta nila. Iyon nga lang talagang iba din ang presyo ng bawat damit nila. "Ok na ok na po. Ang ganda niyo po. Sobrang bagay sa inyo." Napangiti ako. Hindi ko alam kung sinabi niya iyon dahil saleslady siya o talagang sinabi niya iyon kasi nagandahan nga talaga siya naging itsura ko. "Ahh, baka po iniisip niyo na sinabi ko 'yon kasi nagta-trabaho kayo dito pero hindi po ganoon. Maganda po talaga kayo." Ngumiti akong muli. I think kaya niyang basahin ang isip ko? "Salamat." Napatingin ako sa salamin at tiningnan ang sarili kong refleksyon. Sabagay... kung titingnan nga naman ang itsura ko noon kesa ngayon... sobrang iba na. Ang dating wavy at parang walang balak na suklayin na buhok ngayon ay tuwid na tuwid na. Kung dati ay itim ang kulay niyon ngayon ay brunette na ang kulay. Mas bumagay sa katamtaman na kulay ng balat ko. Makikita rin ang kinis ng mukha ko kumpara noon na may mangilan-ngilan na pimples na tumutubo. Sa mahigit isang taon ko bilang bagong anak ni Mommy Theresa ay ito ang naging results niyon. Hindi ko na hinubad pa ang damit at dumeretso agad ako sa counter. Nagmamadali na ako. Dapat bilisan ko na ang pagpunta sa kumpanya dahil ayaw na ayaw ni Mommy na pinaghihintay siya. Sumakay kaagad ako sa kotse at nagsabi sa driver na pakibilisan. Ilang sandali lang ay nakarating na rin ako sa malaking kumpanya na pinamamahalaan ni Mommy. Tinahak ko ang elevator at pinindot ang 50th floor kung saan naroon ang opisina ni Mommy. Nang makarating ako sa 50th floor ay dumeretso ako sa pintuan ng office ni Mommy. "Mom..." pagtoktok ko sa pinto at marahan na binuksan iyon. Nakuha naman ni Mommy ang atensyon ko. Mula sa pagtatanaw sa malawak na transparent na salamin ay nilingon niya ako. Ngumiti si Mommy. Nginitian ko siya pabalik at saka dahan-dahan na pumasok. Hinarap niya ako. Hawak niya ang goblet na may laman na wine. Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita. "I like your clothes. Sobrang bagay sa 'yo." Ngumiti ako. "Salamat po. Ahm... bakit niyo po pala ako pinapatawag, Mommy?" Ngumiti siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. Iginiya niya ako sa bintana. "May papasok sa kumpanya na ito na isang bigating investor. Pihikan siya sa pagpili ng kumpanya na kanyang pag-i-invest-an. Marami na siyang tinanggihan at inayawan na kontrata. Minsan pa ay pinagpupunit niya iyon sa harap ng may-ari ng kumpanya." Napatingin ako kay Mommy kasi medyo hindi ko na-gets ang pinagsasasabi niya. "At ayokong mangyari iyon sa atin. Gusto kong magkaroon ng bilyonaryong investor sa kumpanya na ito. At siya lamang ang alam kong makakatulong sa atin para mas maging tanyag pa ang kumpanya na ito." "M-May maitutulong po ba ako para pumirma sa atin ang sinasabi mong investor, Mommy?" Nilingon niya ako saka ngumiti. Hinaplos niya ang likod ko. "Meron Alisha... malaki ang magagawa mo para makuha mo ang tiwala ng lalaking iyon." "Ano po ang gagawin ko Mommy?" nakangiting tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. "Bukas ng gabi ay may party na magaganap sa bahay para i-welcome natin ang mga bagong investor natin. Inanyayahan ko si Mr. Alarcon na dumalo sa business party natin. Siya ang sinasabi ko sa 'yo na bigating investor. Dalawa ang gusto kong i-utos sa 'yo. Una kailangan mong makuha ang loob niya para sa kumpanya natin. Ang pangalawa ay sasabihin ko sa 'yo bukas..." **** "Grabe, ang ganda mo girl!" puna ni Eunice sa akin. Sinipat ko ang sarili ko. Suot ko ang old rose na long night gown na kitang-kita ang likod ko. Mas na-enhance niyon ang kurba ng bewang ko. Ngayon ang araw ng pa-welcome party ni Mommy sa lahat ng mga bagong investor ng kumpanya niya. "Salamat. Kayo din naman ang ganda niyo," nakangiting sabi ko kina Eunice, Ryza at Stephanie. "Of course! Hindi kami papayag na hindi kami mag-stand out sa crowd," pahalakhak na wika naman ni Ryza. "Ahm... si- "Alisha..." Napatingin ako sa gawing kanan ko. Si Mommy. Nakasuot din siya ng long red gown na nagbigay sa kanya ng elegante at donya na dating. Sa lahat ng magaganda na nakikita ko sa mga babaeng nandito pakiwari ko ay si Mommy ang nag-stand out sa lahat. "Yes po, Mom?" tanong ko. "Samahan mo muna ako." Tiningnan niya sina Ryza. "Excuse me lang ha?" "Sige lang po Tita, bababa na muna kami," nakangiting sabi ni Ryza saka sila tumalikod para umalis. Pumunta kami sa bintana kung saan makikita ang lawak ng front yard ng mansyon. "Nakita mo ba ang Ferrari na parating?" tanong ni Mommy sa akin. Tumango ako. "Opo..." Nakita namin na bumaba ang tatlong lalaki na nakasuot ng tuxedo na kulay itim. Pumunta sila sa backseat ng kotse at pinagbuksan ang taong nakasakay doon. Ilang sandali pa ay bumaba ang lalaking naka-formal attire. Tumingin-tingin siya sa paligid ng mansyon habang inaayos ang mamahaling blazer na suot niya. "Siya si Vinn Jacob Alarcon ang bilyonaryong sinasabi ko sa 'yo na gusto kong maging investor ng kumpanya." Siya pala 'yon. Mukhang bata pa siya. Hindi... bata pa talaga siya. Ini-expect ko kasi ay matanda na ang sinasabi sa akin ni Mommy. Pero mula sa kinatatayuan namin ay mahihinuha ko na nasa mid 20's lamang siya. Pero teka... bakit parang nakita ko na siya. Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil sa liwanag sa loob ng mansyon na umaagaw sa liwanag na nasa labas. Nang humakbang ang lalaki para pumasok sa maindoo ay naglakad kami ni Mommy papunta sa beranda ng third floor. Tinanaw namin sa maindoor ang kadarating pa lamang na bisita. Nang makita ko ng tuluyan ang mukha ng lalaki ay nanlaki ang mga mata ko. Bahagya akong napatutop nang makilala ko ang mukha ng lalaki. "Oh? Bakit? Kilala mo ba si Mr. Alarcon?" kunot-noong tanong ni Mommy nang marinig ang malakas kong pag-singhap. Kilala? hindi! Pero nakita ko na siya. Oo... hindi ako maaaring magkamali! Tinamaan ako ng kaba sa naiisip ko. Kasi siya 'yong lalaki na tinisod ko kahapon sa restaurant! ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD