Chapter 6

1342 Words
Chapter 6 ALISHA Nang araw din na iyon ay nakipag-break ako kay Daniel. Nasaktan kasi ako. Minahal ko din naman siya. Kaya sobrang nasaktan ako kasi feeling ginamit niya lang ako. Hindi ko mapigilan magalit sa kanya. Kaya naman pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na hahayaan pa na lokohin ako ng mga lalaki. Sinabi ko rin kay Ryza na huwag ng ipaalam pa kay Mommy ang nangyari. Mabuti na lamang at hindi naman siya sumbungera. Kahit mataray 'yon at medyo dini-degrade ang pagiging mahinhin ko ay naging worth it naman pagtuturo niya sa akin na maging palaban na babae. Sa lahat ng bagay na tinuturo niya sa akin ay iyon lang ata ang nagustuhan ko. At in-apply ko na sa buhay ko na maging palaban na babae lalo na kapag lalaki ang kaharap ko. Dahil doon, para makadagdag sa pagiging palaban na babae ay nag-aral ako ng self defense. Isang taon ang lumipas ay hindi ko na nasaulo pa ang bawat araw na lumilipas sa buhay ko. Isa lang kasi ang mahihinuha ko na nangyari sa akin. I came from rags and now I become rich. Namumuhay ako na tila isang prinsesa sa isang malaki at malawak na mansyon ng umampon sa akin. Nabibili ko ang gusto ko. Nasusuot ko ang anumang damit na magustuhan ko. Napupuntahan ko ang lahat ng lugar na gusto kong puntahan. Haggang ngayon ay panaginip pa rin iyon para sa akin. Hanggang ngayon ay nalulunod parin ako sa ganda ng buhay na mayroon ako. Ngunit sa kabila ng yaman na tinatamasa ko ay may puwang parin sa puso ko. Napapalitan parin ng lungkot ang saya na nararamdaman ko tuwing naiisip ko si Papa. "Kailan kaya tayo magkikita... Papa," marahan kong sambit sa sarili ko habang nakatanaw mula sa terrace ng aking condominium unit. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng Manila. It's already 9:00 pm kaya naman kitang-kita ko ang napakagandang liwanag ng mga sasakyan at building na tila mga bituin sa kalupaan. Napahawak ako sa suot kong kwintas. Marami man nagbago sa akin. Libo man ang katumbas ng mga alahas na nasusuot ko sa pang-araw araw ay hindi niyon kayang tumbasan ang kwintas na ito. Isa man iyong tanso at walang halaga, para sa akin ay iyon ang yaman na hindi kayang tumbasan ng kahit anuman na yaman nandito sa mundong ibabaw. Dahil ang kwintas na iyon ay bigay sa akin ni Papa. Iyon ang bagay na nagbibigay ng lakas ng loob sa akin tuwing nalulungkot. Iyon ang bagay na nagpaparamdam sa akin na parang katabi ko lang si Papa. Na parang hindi niya ako iniwan. "Sana kaya ko pang hintayin ang mga buwan o taon bago kita makita muli." muli ay sambit ko sa hangin. Minsan kong naitanong kay Mommy kung kelan ko makikita si Papa ngunit isa lang ang sagot niya. "Malawak ang kalupaan ng Bicol. Bago at hindi kilala ang apelyido ng Papa mo doon lalo pa't wala tayong alam kung saan sa Bicol siya nakatira. Pero huwag kang mag-alala, Alisha. Ginagawa ng mga tauhan ko ang lahat para mahanap ang Papa mo. May tamang oras para makita mong muli ang ama mo." Humugot ako nang malalim na hininga. Tama si Mommy. Siguro may tamang oras nga para sa pagkikita namin muli ni Papa. Pero sana lang... dumating na ang tamang oras na iyon sa lalong madaling panahon. Dahil sobrang nasasabik na akong makitang muli si Papa. **** Napatingin ako sa cellphone ko na nakalapag sa lamesa nang marinig kong mag-ring iyon. Binitawan ko ang hawak kong kubyertos at mabilis na napainom ng tubig nang makita ko ang pangalan ni Mommy sa screen na siyang tumatawag. "Ahh, hello Mom?" sagot ko sa tawag niya. "Alisha, anak... nasaan ka?" tanong niya sa akin sa kabilang linya. "Ahm... nandito po ako sa El Facade Restaurant, Mom. Kumakain po ako. B-Bakit po?" kapagkuwa'y tanong ko. "Ok, kasama mo ba si Ryza?" "Ahm... hindi po. Pero si Manong Lito po kasama ko," tinanaw ko si Manong Lito sa loob ng kotse. "Ok pagkatapos mong kumain puntahan mo ako dito sa company. May ipapakilala ako sa 'yo." Tumango ako. "Ahm... s-sige po." Nang maputol ang tawag ay mabilis kong inubos ang pagkain na inorder. Sino kaya ipapakilala sa akin ni Mommy? Teka... baka naman ngayon na ang pormal na pagpapakilala niya sa lahat ng mga empleyado na nagtatrabaho sa company na pagmamay-ari ni Mommy? Sheez! I am not prepared! Sobrang simple nga lang ng suot ko! Uminom ako ng tubig at akmang tatayo nang mapatigil ako. "Huwag ka na ulit magpakita sa akin. Sa tingin ko sapat ng kabayaran 'yan para iwasan mo ako." Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa likuran ko. Mula sa upuan sa hindi kalayuan ay nakita ko ang nakatalikod ng lalaki. Nakita ko rin ang babae na kaharap niya na umiiyak. Nakita ko rin ang malaking halaga ng pera na naroon sa lamesa. "Please, Vinn... huwag mo akong iwan. Nagmamakaawa ako sa 'yo." "Hindi mo ako madadala sa pagmamakaawa mo. Pwede ba tantanan mo na ako. Kung iniisip mo na mahal kita at espesyal ang lahat na ginawa ko sa 'yo. Nagkakamali ka. Katuwaan lang ang lahat ng nangyari sa atin. It was just a dare with my friends. Isang milyon para makuha kita at maikama. At dahil nakuha kita ng walang kahirap-hirap. Ayan ang balato ko sa 'yo." Nakita ko kung paano magulat ang babae. Maging ako ay nagulat din sa mga sinabi ng lalaki. Mabilis na pumasok sa isip ko ang ginawa sa akin ni Daniel. Sa isang iglap ay nakuyom ko ang kamao ko. "P-Paano mo nagawa sa akin 'to?" halos hindi makapaniwalang tanong ng babae. "Because you're just a toy. For me, women are just a toy. Tagalugin ko pa? Laruan lang kayong mga babae para sa akin," narinig ko ang sound sa pagngisi ng lalaki. Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ng lalaki. Wala naman na nagawa ang babae kundi ang umiyak. Hindi ako naawa sa ginawa ng babae na pag-iyak bagkos ay nagalit pa ako sa kanya. Bakit hinahayaan siya ng lalaking iyon na sabihan na lamang siya ng ganoon? Sayang ang ganda niya kung iiyak lamang siya sa lalaking iyon! Tumayo ang lalaki para umalis. Humakbang siya aisle na para bang walang nangyari. Sa pagkakataon na iyon ay doon ko nakita ang mukha niya. Gwapo... oo sobrang gwapo. Maganda ang tindig. Hindi rin biro ang presyo ng suot na damit niya. Well cut hair. At totoo ang suot niyang rolex na relos. Sa isang tingin kahit sinong babae ay pwedeng-pwede mahulog sa kanya. Kasi para siyang Adonis sa kagwapohan. Ibang-iba din ang lakas ng s*x appeal niya. Ngunit hindi kayang tumbasan ng gwapo niyang mukha ang sama ng ugali niya. Nang matapat siya sa inuupuan ko ay tinisod ko siya dahilan para mawalan siya ng balanse sa matumba. Tumilapon sa damit niya ang hawak na tray ng pagkain ng crew na nasa tapat niya. Kasunod nang pagkasubsob niya sa sahig. Umangat ang sulok ng labi ko nang makita ko kung paano naging basura ang itsura ng mayabang na lalaki. "What the f*ck!" sigaw ng lalaki. "S-Sorry Sir..." hinging-paumanhin na sabi ng crew at akmang tutulungan siya nang magsalita ako. "Don't." Napatingin sa akin ang crew. Itinaas ko ang hintuturo ko para sabihin sa kanya na huwag niyang tulungan ang lalaki. Yumuko naman ang male crew at saka umalis. Kilala ako ng mga staff dito kasi ako na ang namamahala ng restaurant na ito. "Hoy! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Ha?!" sigaw ng lalaki sa akin na dumagundong sa loob ng restaurant. Imbis na magpasindak sa sigaw ng lalaki ay umangat pa ang sulok ng labi ko. Tumayo ako at umalis sa inuupuan ko. Napatitig ako sa lalaking halos mapahiga na sa sahig. Napahalukipkip ako at bahagyang yumuko para mas matitigan siya nang malapitan. "Ano ang ginawa ko?" Tiningnan ko ang mga kanin at ulam pati na rin ang juice na tumapon sa damit niya. "Nilalagay ka sa lugar kung saan ka dapat nababagay." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD