Chapter 5

2174 Words
Chapter 5 ALISHA Hindi pa halos nagsi-sink in sa utak ko na matutulog ako sa ganoon kalaki at kagarang kwarto. "Totoo ba 'to?" pauli-ulit na tanong ng isip ko. Pakiwari ko kasi ay nananaginip lang ako. Hay! Kung panaginip man ito sana huwag nila akong gisingin. Lahat ng mga bagay na nakikita ko ay dinaanan ko ng mga daliri ko. Inaalam ko kasi kung totoo iyon. I mean kung hindi nga ba ako nananaginip at doon na nga ba ako titira talaga. Ni minsan din kasi hindi pumasok sa isip ko na makakatulog ako doon. Pero sobra sobra ang dumating sa akin kasi sarili ko na pala ang kwarto na iyon. Napaupo ako sa kama at dinama ang lambot nito. May kotson din kami na tinutulugan sa bahay ampunan pero hindi ganito kakapal. Pakiwari ko ay sobrang magiging kumportable ako sa pagtulog ko habang nakahiga dito. Paniguradong makakatulog ako ng mahimbing dito kapag ganito kakapal ang kama ko. Nakangiti ako nang marinig ko ang paghagikhik ni Mommy. Napatingin ako sa kanya. Agad akong napatayo. Tae, dahil sa sobrang pagkalunod ko sa saya ay hindi ko na namalayan na nandoon pala si Mommy at pinagmamasdan lang ang bawat kilos ko. "You really remind me of someone," nakangiting sabi niya na tila ba aliw na aliw kinikilos ko. Someone? Itatanong ko sana kung sino 'yon nang biglang tumunog ang cp ni Mommy. "Oh? Nandiyan na ba kayo? Good to hear that! Ok, hintayin niyo na lang kami diyan. Bababa na kami." Nang i-endcall ni Mommy ang tawag ay nilapitan niya ako. "Let's go, may ipapakilala ako sa 'yo na tutulong at aalalay sa 'yo dito bilang bagong Alisha Claudette Enriquez," excited na sabi ni Mommy. "Ah-Ahm... sino po?" Ngumiti siya at hinawakan ang buhok ko. "You'll see." Hinayaan ko na lamang ang mga paa ko na sumunod kay Mommy para pumunta sa ibaba at bumalik sa napakalawak na sala. Tatlong babae ang nakita ko na sabay-sabay na tumayo nang makita nila si Mommy na pababa ng hagdan. Isa sa tatlo ay lumapit kaagad kay Mommy at isang malawak na ngiti ang pinakawalan nito. "Hi, Tita! It's nice to see you again." Nakipag-beso beso siya kay Tita kasunod ng paglipat ng tingin niya sa akin. Sa tantiya ko ay hindi naman nagkalayo ang edad namin. Kumpara sa dalawang naroon sa sofa na nasa 30's na. "Ahm... sino siya, Tita Theresa?" "Siya ang ipapakilala ko sainyo. Take your seat first." Hinawakan ni Mommy ang braso ko. Lumapit kami sa sala at doon niya ako hinarap sa tatlong bisita. "Everyone, she is Alisha Claudette Enriquez, my daughter." Tumingin sa akin si Mommy, "Anak, siya ang tutulong sa 'yo sa lahat ng dapat mong matutuhan sa loob at labas ng bahay na ito." "Hello po," nakangiting bati ko sa tatlo kahit bakas sa mukha nila ang pagtataka na pilit tinatago ng tipid na ngiti. Hindi rin nailigtas sa paningin ko ang pagtingin nila sa akin mula ulot hanggang paa. Lalong-lalo na 'yong babaeng nakipag-beso beso sa akin. Expected ko na 'yon kasi ganoon din ang tingin ng mga katulong sa akin. Nilangkapan ko na lamang ngiti ang mga tingin nila. Sabi ni Sister Mia ay natural daw talaga iyon sa mga nakakakilala sa taong umampon. "She's Miss Bea Villa siya ang magiging tutor mo. Para sa shorterm course na kukunin mo about business." Itinuro sa akin ni Mommy ang babaeng short hair na may eyeglasses. Nginitian niya ako at binati habang naramdaman ko ang munting saya sa puso ko na atlast! Makakapag-aral na ako ng kolehiyo. Pero bakit kaya tutor kinuha ni Mommy sa akin imbis na mag-aral ako sa isang eakwelahan. Winaksi ko kaagad iyon sa isip ko. Ang mahalaga ay mag-aaral na ulit ako. At tatanggapin ko kung ano ang bagay na itutulong sa akin ni Mommy. Sunod na pinakilala ni Mommy ang nasa gitna. "Siya naman si Miss Anna Dalumpines ang tuturo sa 'yo sa lahat ng dapat mong malaman about fashion. Tuturuan ka niya mula sa paglalakad ng maayos hanggang sa pagpili ng damit na gagamitin sa iba't ibang okasyon." Tumango ako at muli binati ang pangalawang bisita na pinakilala sa akin ni Mommy. "And lastly, she's Ryza Nevera siya ang magtuturo sa 'yo how to live at your age." Kumunot ang noo ko at napatingin kay Mommy. "L-Live at my age?" pag-uulit ko sa sinabi ni Mommy. "Yes," ngumiti siya. "Paniguradong mapapagod ka kapag tinuruan ka nina Miss Bea at Miss Anna kaya naman bibigyan kita ng dalawang araw, Sabado at Linggo para gumala kasama si Ryza. Night party, swimming, shopping and other social interaction." "Tita, mukhang mahihirapan ako sa kanya. Mukhang pabebe pa ata 'yan pag pinainom mo ng alak," patutsadang sabi ni Ryza saka bahagyang tumawa. "That's why I gave you money to teach her, right?" Hindi nakapagsalita si Ryza. "M-Mommy... hindi po kaya masama sa katawan ang alak?" mahinang sambit ko. Ryza burst to laugh. "See?" "Masama ang sobra. You'll learn with Miss Bea na hindi nakakasama sa katawan ang alcohol. Lalo't moderately lang naman ang pag-inom mo." Napatango na lamang ako. "Okay! So now please do your work. I don't want to waste time for this. Ahh, Ryza and Anna samahan mo muna si Alisha na mamili ng damit." May kinuha siyang card sa wallet. "Here's my credit card. Use this and buy everything for my daughter." Hindi ko alam kung paano unti-unting nabago ang buhay ko. Sa bawat araw na lumipas ay may mga bagay akong natutunan at talaga naman na ina-adopt ko kaagad iyon. Kailangan kong ipakita kay Mommy na hindi siya nagkamali na ampunin ako. For the first six months ay nakita ko kung paano unti-unting nagmatured ang isip ko. Mabilis din ang improvement ko sa bawat kilos ko na pang-mayaman. Malaki din ang pagbabago sa pakikipagsosyalan ko sa iba. Gaya ng utos ni Mommy ay naging laman kami ni Ryza ng bawat mamahalin na resto bar. Maingay ang mundo ko kapag Sabado at Linggo dahil sa mga night club na pinupuntahan namin. Sa una ay pasuray-suray pa ako sa pag-inom ng alak hanggang sa parang nagawa kong timpihin ang nararamdaman kong pagkahilo. Sa una din ay pinagtatawanan ako ni Ryza sa tuwing nakikita niya ako na nakasuot na pantalon kapag papasok kami sa mga night club hanggang sa nasanay ako na sumuot ng mga body con dresses. Sa tulong ni Miss Anna ay natutunan kong balansehin ang paglalakad ko gamit ang high heels na may five inches na haba. Ang sumunod na 6 months ay medyo nahirapan ako dahil may nakilala akong lalaki. Si Daniel... unlike sa mga lalaking nakilala ko sa club na sa unang tingin mo palang ay halatang may masama ng gagawin sa 'yo. Pero si Daniel hindi... sobrang gentleman niya at may sense of humor. Kaya naman mabilis na nahulog ang loob ko sa kanya. Kaya isang buwan lang ay naging boyfriend ko siya. Hindi ko alam kung tama bang desisyon iyon pero... kasi masaya ako kapag kasama ko siya. At dahil first time 'yon mangyari sa akin ay hindi ako naging prepared sa sumunod na nangyari. Because of the liquor ay hindi ko napigilan ang sumunod na nangyari. Nakuha ni Daniel ang p********e ko. Hindi ako nagsisi sa una kasi akala ko mahal ko na siya pero... nadala lang pala ako ng init at pagkasabik. Lalong-lalo na noong iniiwasan na ako ni Daniel nang hindi ko alam kung bakit. "Hey! Si Daniel ba 'yon?" napatingin ako kay Ryza. We're in a club at expected na maraming tao doon. Mula sa paghigop ng alak na nasa goblet ko ay sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya. Hinanap ko sa mga crowded na upuan ang tinuturo ni Ryza. Ilang sandali ay tumigil lamang ang tingin ko sa lalaking nakatayo at nakikipagusap sa mga lalaking nakaupo na sa upuan. "Mukhang kadarating niya palang ah?" wika ni Stephanie. Ang kasa-kasama namin sa inuman at isa sa matalik na kaibigan ni Ryza. "And wait, kasama niya ba 'yong babaeng naka-black?" dagdag na tanong ni Elaine ang kaibigan din ni Ryza. Ang mga mata na namin mismo ang nag-confirm kasi nakita ko kung paano inilagay ni Daniel ang kamay niya sa bewang babae. Kasunod ng paghalik nito sa labi. "Ohhh..." sabay-sabay na napatingin sa akin sina Ryza na para bang nang-aasar. "Kaya pala hindi ka na sinisipot, Alisha kasi may bago na siya." wika ni Ryza saka tumawa. "Ang sakit 'non ah!" natatawang sabi naman ni Elaine. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Pakiwari ko ay parang dinaganan ang dibdib ko ng malaking bato dahil sa nakita ko. "So girl! Ano ngayon ang gagawin mo?" tanong ni Stephanie saka ngumisi. Hinawakan ko ng mahigpit ang goblet at nilagok ang natitirang alak na naroon. "Wala." tipid na sagot ko at nagsalin pa ng panibagong alak. "Wala?!" Nagtawanan ang tatlo. "Mahina ka pala eh. Harap-harapan ka ng niloloko tapos wala kang gagawin?" naiiyak na sa tawa na sabi ni Ryza. "Bakit? Ano ba ang dapat kong gawin?" wala sa loob na tanong ko sa kanila. Napailing na lamang ang tatlo saka sabay-sabay na bumagsak ang balikat. "Hay naku! Sabi ko sa 'yo unang-una pa lamang alisin mo ang pagiging Maria Clara mo!" "Kung ako sa 'yo Alisha, pupuntahan ang dalawang 'yon at sasampalin ko si Daniel ng malakas. Kasunod naman na sasampalin ko ang babae niya!" Nahigit ko hininga ko sa sinabi ni Stephanie. "H-Hindi ko ata kaya 'yon." "This is a dare, Alisha. Kapag sinampal mo ang dalawang 'yon. Isang bote na lang iinumin natin. Pero kapag hindi mo ginawa. Iinumin mo ang isang bote ng alak na ito," nakangising sabi ni Ryza. "P-Pero..." "Go! This is not for us. This is for you. Niloko ka ni Daniel. Kinuha lang niya ang gusto niya sa'yo tapos tingnan mo hindi na siya nagparamdam. Tapos ngayon magdadala pa siya ng babae?! Naku! Kung ako sa 'yo?! Panigurado magi-eskandalo ako dito." Sa sinabing iyon ni Elaine ay tila sinapian ako ng demonyo. Pumasok sa isip ko ang mga masasayang sandali na kasama ko Daniel hanggang sa bigla siya nawala noong nakuha niya na ang virginity ko. 'Yong lahat ng init na nararamdaman ko ay na-stock sa ulo ko kaya naman tumayo ako at akmang hahakbang para lalapit sa pwesto kung saan naroon si Daniel at ang babae niya. "Ops, wait. You look so tense. You must have to look calm. Dapat huwag mong ipakita na apektado ka. Bigyan mo siya ng sampal na magpapa-realize sa kanya na hindi siya kawalan, ok?" wika ni Ryza. Tumango ako at humugot nang malalim na hininga. "Ok." "And don't forget your poise," dagdag pa ni Elaine. Tumango akong muli. Hawak ang goblet ay nagsimula akong maglakad. Nang makalapit ako ay binuhos ko kay Daniel ang laman ng goblet na hawak ko. "What the f-" Napatayo si Daniel at mabilis na napatingin sa akin pero kaagad din siyang napatigil. "Ops... sorry," I said saka matamis na ngiti ang pinakawalan ko. "A-Alisha?" natitigilang sambit niya sa pangalan ko. "Ow, Daniel... nandito ka pala and... with your friends." Ngumiti ako. "Hi... guys." bati ko sa mga kaibigan ni Daniel na noon ay natigilan din nang makita ako. Sa itsura nilang iyon ay hindi ko tuloy mapigilan matawa. Kahit ang totoo ay kinakabahan na talaga ako sa ginagawa ko. Hindi ako sanay sa eskandalo. Si Ryza... siya lang ang sanay sa ganoon. "Oh? Ba't parang nakakita kayo ng multo?" "Who are you?!" Tumaas ang kilay ko. Napatingin ako sa likuran. "Oh, sorry... may tao pala sa likuran ko. Akala ko kasi aso." I mocked the girl. Narinig ko na bahagyang napasinghap ang kaibigan ni Daniel dahil sa sinabi ko. "What?!" halos hindi makapaniwalang sabi ng babae. "Ow, nabingi ka? Did you even clean your ear before putting those fake diamond earrings?" tanong ko saka ngumisi. "Anong fake?! H-Hindi fake ang earrings ko! And who are you? Para buhusan ng alak si Daniel!" she said na parang bata lang kung magsalita. Nag-i-stammered siya. Mas ok pa nga ata ako magsalita kesa babaeng 'to na mukhang atakehin na ata sa puso. "And who are you too?" tanong ko nang nakataas ang kilay. "I am his girlfriend! Ikaw? Sino ka ba ha?!" Natawa ako at napahalukipkip. "Masyado ka naman territorial kung magsalita. Don't worry hindi ko siya aagawin sa 'yo. May ibibigay lang ako sa kanya." "Anong ibibigay mo sa akin, Alisha..." tanong ni Daniel sa akin mula sa likuran ko. Napa-irap ako. Hinarap ko si Daniel saka sinampal nang malakas. "Wooaaah!" hiyawan ng mga kasama ni Daniel pati na rin ng mga nakakita. "A-Alisha?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Daniel habang sapo ang kaliwang pisngi niya. "'Yan ang ang ibibigay ko sa 'yo," walang emosyon na sagot ko. "What the hell are you doing!" sigaw ng babae at akmang kakabigin ang braso ko para humarap sa kanya nang kunin ko ang isang goblet sa mesa at binuhos sa mukha ng babae ang laman na alak. Napasinghap siya nang malakas. Napatili ang babae habang mas lalo naman nag-hiyawan ang buong paligid dahil sa ginawa ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD