Chapter 4
ALISHA
"T-Tayo na po kayo," kinakabahan na sabi ko sa mga katulong na nakaluhod sa harapan namin ni Mrs. Enriquez. Pero hindi nila ako pinakinggan. Bagkos ay mas lalo pa nilang niyuko ang ulo nila. Napatingin ako kay Mrs. Enriquez para sabihan siya na huwag ng paluhurin ang mga katulong ng mansyon.
"Sige, maaari na kayong tumayo at bumalik na kayo sa mga trabaho niyo."
"Opo, Ma'am Theresa," sabay-sabay nilang sabi.
Nang makaalis sila ay kagat-labi na nilingon ko si Mrs. Enriquez.
"K-Kawawa naman po sila, Mrs. Enriquez," mahinang saad ko.
Napatigil si Mrs. Enriquez sa pag-inom sa kanyang goblet at tiningnan ako sa naglalakihang mga mata.
"Mrs. Enriquez?!" exaggerated niyang bigkas ng pangalan niya sa akin.
Naiatras ko ang dila ko. Doon ko din napagtanto na dapat hindi na iyon ang tawag ko sa kanya. Pero kasi nag-aalangan parin ako na tawagin siya aside sa pangalan na nakagawian kong bigkasin sa kanya.
Bahagyang natawa si Mrs. Enriquez sa akin. Nilapitan niya ako at hinawi ang itim na buhok ko na abot lamang hanggang balikat.
"Alisha... you shouldn't call me that. You have to call me, Mommy or Mama from now on."
Saglit kong naitigil ang paghinga ko.
"M-Mommy?" pag-uulit ko. Hindi ko mapigilan ang pagtibok ng malakas ng puso ko. Simula noong namatay ang Mommy ko ay wala na akong tinawag na ibang Mommy bukod kay Tita Pauline na hindi ko naman talaga gustong tawagin bilang Mommy.
Ngayon sinasabi sa akin ni Mrs. Enriquez na tawagin ko siyang Mommy, ay hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko. Ang bait pala ni Mrs. Enriquez. Mali pala ang first impression ko sa kanya na masungit siya.
"Yes, Alisha... you should have to call me Mommy from now on," nakangiting sabi niya. Infairness... ngumingiti din pala si Mrs. Enriquez. Nababawasan ang pagiging mataray ng mukha niya kapag ngumiti siya.
Ngumiti ako at tumango na lamang kasi pakiwari ko ay bigla akong lumipad sa alapaap sa labis na saya. Sa wakas kasi may tatawagin na ulit akong Mommy. At batid ko na hindi siya masungit gaya ng naging madrasta ko.
"Teka... nasaan na ba 'yong dalawang tao na pinapatawag ko. Tsk." Kinuha ni Mommy ang cp niya at may tinawagan. "Cheska, nasaan na ba kayo? Ako pa talaga ang pinapahintay ninyo?!"
Hindi ko narinig ang sinasabi ng kabilang linya pero mas nakita ko ang frustration sa mukha ni Mommy. "You should be here within 10 minutes! Or else mawawalan kayo ng trabaho!"
Mabilis niyang pinutol ang tawag at napabuntong hininga na lamang.
"Ahm... s-sino po 'yon?" wala sa loob na tanong ko.
Isa pang buntong-hininga ang ginawa ni Mommy bago umiling. "Sila ang tutulong sa 'yo sa lahat."
Tutulong?
"Mamaya i-explain ko sa 'yo," ngumiti si Mommy. "Oh, wait... nakita mo na ba ang magiging kwarto mo sa itaas?"
Umiling ako. "H-Hindi pa po."
"Come, I'll show you." Nakangiting agyat ni Mommy.
Tinahak namin ang malawak na hagdan ng mansyon. Dinaig pa niyon ang hagdan sa mansyon ng prinsipe ni Cinderella. Sobrang bongga din ng red carpet na naroon.
Sa tatlong araw na nandito ako ay hindi ko pa napupuntahan ang second floor ng bahay ni Mommy. Kaya naman para akong nakasuot ng mahabang gown habang binabagtas ang malaking hagdan na iyon.
Nang makarating kami sa itaas ay malawak na paligid ang bumungad sa amin. Yare sa mamahalin na marmol at modernong moderno ang desinyo ng bawat pader na naroon. Grabe sobrang nakakalula tingnan ang mansyon ng umampon sa akin. Idagdag pa ang napakalaki at napkagandang chandelier sa gitna ng malawak na paligid na ito. Pakiwari ko ay prinsesa ang nakatira sa bahay na ito.
"This is the function hall. Dito nangyayari ang mga party ang meetings. Tinahak ulit namin ang hagdan sa gilid ng malawak na paligid na iyon. Pero hindi gaya ng una hindi na iyon ganoon kalaki.
Isang hallway ang bumungad sa akin.
"Dito naman ang mga kwarto. This big door is mine." Turo niya sa unang kwarto na naroon sa hallway.
"Wow... pinto pa palang po ang laki laki na," bulalas na sabi ko.
Natawa si Mommy sa reaksyon ko.
Pinakita niya sa akin ang kwarto niya at napanganga talaga kasi parang isang buong bahay din sa laki iyon. Para talaga siyang reyna sa kwarto niya na iyon.
"Ito naman ang kwarto ng..." Napatigil si Mommy nang hawakan niya ang doorknob ng kwarto na mga dalawang lakad lang ay halos katapat lang din ng kwarto niya.
"Kanino pong kwarto?" tanong ko sa biglaang pagtigil ni Mommy.
Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko pero nakita ko kung paano dumaan ang kalungkutan sa mukha niya. Nakita ko rin kung paano niya hawakan ng mariin ang doorknob na para bang ang bigat para sa kanya na buksan ang pintuan na iyo.
Hindi ko tuloy maiwasan na kumunot ang noo sa expression na nakikita ko sa mukha ni Mommy.
"M-Mommy..." mahina kong sambit sa kanya.
Doon siya tila natauhan. Napatingin siya sa akin. May nakita akong luha na namuo sa mga mata niya. Pero nilangkapan niya kaagad iyon ng pagngiti.
"Ahh, doon tayo sa magiging kwarto mo. Tara!" pag-iiba niya at saka umalis sa harapan ng malaking pintuan na iyon.
Hindi ko tuloy mapigilan mapatigil sa ginawa ni Mommy.
"Bakit kaya parang hindi binuksan ni Mommy ang kwarto na ito para ipakita sa akin?" tanong ng isip ko. Bago pa ako magkaroon ng maraming tanong sa isip ko ay kumibit-balikat nalang ako.
Baka naman may something na importante lang sa loob kaya hindi niya binuksan. Kahit naman ina ko na siya. Bibigyan ko parin siya ng privacy sa mga bagay na pagmamay-ari niya.
Mga ilang lakad lang ang ginawa namin ay binuksan ni Mommy ang isa rin sa malaking pinto na naroon.
"Alisha, this will be your room from now on," nakangiting sabi ni Mommy pagkabukas na pagkabukas ng pinto.
Awtomatikong napanganga ako sa labis na pagkamangha nang masilayan ko ang paligid ng aking kwarto. Sobrang laki ng kama. Times four ata iyon sa laki kumpara sa hinihigaan ko sa bahay ampunan. Maganda ang pagkaka-set ng study table na may complete set na ng personal computer. May malaking paintings sa itaas na bahagi ng headboard. Hindi ko mapigilan humanga sa paintings na iyon. Marunong din kasi ako magpaint at magdrawing. Iyon nga hindi ko masyadong nahahasa ang talent ko kasi kulang sa kagamitan ang bahay ampuna para sa kagustuhan kong mahasa ang talento ko bilang isang mangguguhit.
"Wow... ang ganda," bulalas ko sa nagniningning na mga mata.