HINDI pa nga masyadong nai-enjoy ni Ethan ang pagtitig sa namumulang mukha ni Riya ay kaagad namang pumagitan si Suzanne out of nowhere! “Ahm, hello! I'm sorry but can I talk to you for a minute?” untag ng pinsan niyang babae sa kaniya na siyang nagpabalik din sa huwisyo niya sa kasalukuyan. “Please take Liby,” baling naman nito kay Riya na agad namang tumalima bagama't tumanggi agad siya at tiningnan ng nagtatakang tingin si Suzanne. “What is it, Sue?” pormal na tanong niya habang hawak niya ang isang braso ni Riya bilang pagsalag sa pagkuha nito kay Liby mula sa pagkakabuhat niya. “Riya, just take Liby,” imbis na sagutin siya ay baling ni Suzanne kay Riya. Sa pagkakataong iyon ay nasa tono na ng pinsan niya ang pag-uutos at hindi na pakiusap, bagay na nakapagpainis sa kaniya. Ang g

