ILANG katok ang ginawa ni Ethan bago nagbukas ng pinto si Riya. Buhat nito si Liby na noon ay himalang gising pa rin kahit na kakainom pa lang ng gatas habang ang mga pinsan naman niya ay nasa likuran niya. “They’re leaving,” bungad-imporma niya kaagad sa dalaga bago ito iginiya papalabas ng kuwarto. “Can I carry her?” mayamaya ay tanong ni Suzanne habang magiliw na nakatingin kay Liby bago inilipat ang tingin kay Riya. “Oh, don’t worry. I used to babysit in US so I’m used to carrying babies, though I’m not that particular with your tricks and not as good as you,” kaagad namang paliwanag ni Suzanne nang mapansin yata ang pagkaalangan sa hitsura ni Riya. “Okay,” tugon ni Riya nang tumango siya at saka nakangiting ibinigay nito si Liby kay Suzanne bago inilapat ang bimpo sa may balikat ni

