NAGISING si Riya sa amoy ng karekare na iniinit ni Ethan sa kusina. Bahagya pa siyang nag-inat at saka sinipat ang wristwatch niya. Awtomatiko siyang napabangon at napatakbo sa silid ni Liby. Paano'y lampas alas-sais na ng gabi! “Hey, relax!” natatawang sabi ni Ethan sa kaniya na sinundan siya kaagad sa guestroom. Nanlalaki ang mga matang bumaling siya sa binata matapos niyang makahinga naang maluwag matapos maabutan na gising si Liby at bagong palit ng damit. “Bakit ‘di n'yo ako ginising, Sir Ethan?” Gusto man niyang mainis ay hindi naman niya magawa lalo na nang makita niya ang hitsura ng lalaki. Bukod-tanging apron lang kasi ang suot nito at basketball shorts. Namumutok ang mga biceps nito habang hawak ang sandok na nakataas sa ere na para bang ipinagyayabang pa sa kaniya. “I did a

