SUMANDAL si Ethan sa gilid ng pinto ng banyo habang hinihintay ang paglabas ni Riya. Hindi niya sigurado kung may nasabi ba siyang hindi nito nagustuhan kaya basta na lang siya nito iniwan. He saw her on the verge of crying at alam niyang ayaw lang iyong ipakita ng dalaga sa kaniya. Bahagya pang nagulat si Riya nang pagbukas nito ng banyo ay kinabig niya ito at niyakap. She tried to push him away but he pulled her closer to him. “S-Sir Ethan?” namamaos pang sambit nito sa pangalan niya habang nakabaon ang mukha nito sa dibdib niya. He heaved a deep sigh then caressed her hair. “Can’t you hear my heartbeat right now, Riya?” bulong niya rito. Naramdaman niya na bahagyang tumigil sa pagtulak sa kaniya ang dalaga at tila pa nga pinigilan nito ang sarili na huminga kahit sandali lang. Mu

