PAKIRAMDAM ni Ethan ay sinisilaban ang bawat hibla ng katawan niya nang mainit na tugunan ni Riya ang mapusok na halik niya. “S-Sir, ang sugat n'yo,” hinihingal na biglang sambit ni Riya matapos siyang itulak nito nang tila ito matauhan. Nanlalaki ang mga mata nito habang nag-aalalang nakatitig sa kaniya pagdaka'y alanganing hinaplos ang gilid ng labi niya na may sugat. It was enough for him to feel so warm and comforted. He smiled at Riya, then took her hand and kissed it. Parang tumalon ang puso niya sa ipinapakitang concern ng dalaga sa kaniya. And it was a genuine concern na tila ba hindi alintana ng dalaga. Bagama't hindi ito nagtatanong kung bakit siya may pasa at sugat sa labi, alam niyang may sapantaha na ito sa nangyari sa mansyon. “You’re making my heart flutter, Riya. Thank

