“A-ANONG nangyari sa inyo, Sir Ethan? Bakit putok ang labi n'yo?” salubong na tanong kay Ethan ni Riya pagkalinga nito sa kaniya mula sa kusina. Kasalukuyan itong naghuhugas ng baby bottles ni Liby at halata ang pag-aalala sa mukha nitong nang mabungaran siya. Didiretso sana siya sa banyo para maghilamos at upang hindi na makita ng dalaga ang iniwang bakas ng pagkakasuntok sa kaniya ng daddy niya ngunit naunahan siya ng dalaga. Mabilis nitong ipinunas ang mga kamay sa suot na apron at saka lumapit sa kaniya. “Wala ‘to,” iwas niya saka akmang papasok sa kuwarto niya nang pigilan siya nito at iharap dito. “Patingin nga,” giit nito saka matamang pinagmasdan ang labi niya. Kunot ang noong tumingin ito sa mata niya na tila ba pilit inaaninag ang dahilan ng sugat sa labi niya. Alam niyang m

