Nanatili akong nakahilata dito sa kama habang balot na balot ng kumot ang buong katawan ko. Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula nang mangyari iyon at mas pinili ko na lamang na magmukmok dito sa kuwarto.
Kahit na tanggap ko na ang buong katotohanan, hindi ko parin maiwasang hindi masaktan sa kabila ng lahat ng nangyari. Gabi-gabi akong umiiyak sa tuwing naalala ko ang mga pangako ni Joshua sa akin.
Mas lalo akong nagtaklubong ng kumot upang takpan ang aking taenga sa patuloy na pagkatok ni Mama sa pinto ng aking kuwarto. Araw-araw ay ganito na lamang ang eksena. They always checked me kung buhay pa ba ako sa takot na baka balakin ko na saktan ang aking sarili.
"Sarphina, anak. Gusto ko lang sabihin na tumawag ang boss mo at sinabing tignan mo ang email mo," rinig kong wika ni Mama pero hindi ako nag-abalang sumagot pabalik sa kanya.
Pinakiramdaman ko muna si Mama hanggang sa tuluyan na itong umalis sa labas ng kuwarto ko at naglakad papalayo. Inalis ko ang makapal na kumot sa aking mukha at umupo. Inabot ko ang laptop na nasa side table ko lamang at chineck ang sss ko.
Napasapo ako sa aking noo at napahimas sa aking batok nang mabasa ko ang kabuuan ng email galing sa head ng aming department. They rejected my resignation application letter dahil ayaw nila akong mawala sa kompanya.
I'm a Civil Engineer. Not to brag but I'm one of the outstanding Engineers in our department. I wanted to quit my job at magpakalayu-layo muna and to fix myself too. Akala ko ay hindi ko na iyon magagawa but in contrast, they grant me to have a leave for at least two months.
I replied at them at nagpasalamat. I can't afford to lose my job pero kung sa ikakabuti naman ng sarili ko, I can take a risk. I emailed my previous client na si Mrs. Baure na isa sa mga bisita ko sa kasal na hindi natuloy.
Nang minsang bumisita ito sa akin, sinabi niya na may alam siyang lugar kung saan puwede na doon ako manatili, para ayusin ang sarili ko at lumayo sa mga taong pilit na nanghihimasok sa buhay ko.
Pagkatapos kong magtipo ng mensahe ay walang pagdadalawang-isip ko itong ipinadala. Ilang segundo lamang ang lumipas ay tumunog ang notification bell at nagreply na ito sa mensahe ko.
[Hello, Engr. Cuesta! I hope you are feeling well now. About the Cuera Siagao that I've mentioned to you lately, it's just a small town na siyang malapit sa karagatan. About the transportation, you can get there by riding a public transportation or you can just ride your car. It is a two-three hours long drive.]
"Two-three hours? Really? Ang layo! But, it's near the sea. Waking up feeling the sea breeze can really helps me to relax. So, I guess it's okay?" sambit ko sa sarili at nagsimula na akong mag-type sa keyboard para sa mga karagdagan kong mga tanong.
Tatlong letra pa lamang ang aking nata-type, a call from Mrs. Baure appeared on my screen. She called me in my messenger account. I clicked the answer button.
"Hello, Mrs. Baure!" nakangiti kong pagbati sa kanya.
Mabuti na lamang at nakapaghilamos na ako kankna dahil kung hindi, nakakahiya para kay Mrs. Baure na makita niyang hindi pa ako nag-aayos ng sarili at baka may muta pa ako.
["Hello, Engr. Cuesta! I'm glad that you messaged me about the Cuera Siagao,"] aniya habang inaayos nito ang kanyang salamin.
Kitang-kita ko sa background niya na nasa opisina siya. Bigla tuloy akong nahiya dahil nag-abala pa talaga ito na tumawag sa gitna ng working hours niya.
"I'm planning to go there to freshen up my mind. But, is there any house po ba na puwedeng rentahan?" tanong ko.
Hindi ko pa nakikita kung anong klaseng lugar ang Cuera Siagao, pero nakakasiguro ako na makakapagpahinga ako roon. It's just a small town, and it's fine to me.
["You don't need to worry about that, Engr. Cuesta! You can stay at my rest house there,"] alok niya sa akin.
Agad naman akong nakaramdam ng hiya kaya hindi ako nagdalawang-isip na tanggihan ang alok niyang iyon. Gusto kong magpakalayu-layo na muna pero ayokong mamerwisyo ng ibang tao para lamang sa sarili kong kagustuhan.
"No! It's okay, Mrs. Baure. Maghahanap na lang po ako ng bahay na puwedeng pag-upahan," pagtanggi ko at pilit na ngumiti upang itago ang hiyang nararamdaman ko.
["Come on, Sarphina..."] pagtawag niya sa pangalan ko. It felt like she's calling me as if I'm her daughter. [ "I want you to be comfortable there. The town is not that big, kaya tiyak na mahihirapan ka na maghanap ng mauupahan doon. Alam kong alam mo na itinuring na rin kita bilang anak ko, huwag kang mahiya."]
Nanlambot naman agad ako dahil sa sinabi ni Mrs. Baure. She's in her 60's now. She's right about what she've said. Kapag kaming dalawa lang ang magkasama ay parang anak ang turing niya sa akin. Minsan ay iniimbitahan niya rin akong kumain sa bahay niya.
Mag-isa lamang siya sa kanyang bahay dahil matagal nang pumanaw ang asawa niya. Habang nasa ibang bansa naman ang dalawa niyang anak at may mga sarili na itong pamilya. Because of my profession, I choose to addressed her formally to keep our status professional. She keeps telling me that I should quit addressing her formally pero minsan ay matigas talaga ang ulo ko at hindi ko sinusunod ang gusto niya.
I sighed dahil alam ko na kapag tinawag ako ng matanda sa pangalan ko, hindi na bilang isang Engr. Cuesta ang tingin niya sa akin. Kundi, isang dalaga na siyang itinuring niya na sariling anak.
"You called me by my name, I couldn't refuse anymore!" natatawa kong wika. "Thank you, Mrs. Baure."
["It's the least that I can do to help you heal, Sarphina. I'll send you later the directions towards the town,"] nakangiting wika niya.
"Thank you, Mrs. Baure," I said habang hindi nawawala ang ngiti sa aking labi.
["Bukas ba ang alis mo?"] tanong niya.
Tumango ako, "Opo."
["Mag-iingat ka,"] paalala niya sa akin.
"I will po," I said.
Nakarinig naman ako ng boses galing sa kabilang linya na may mga papeles daw na kailangan ng pirma niya. I bet she's really busy right now. Kahit na may edad na ito ay nanatili pa rin itong malusog at maliksi.
["I'll hang up na, Sarphina. I have some paperworks to do. Bye!"]
Ngumiti naman ako bilang tugon sa kanyang sinabi and I waved my hand at her bago namatay ang tawag.
Inilagay ko sa gilid ang laptop at sumandal sa headboard. Pilit kong ini-imagine ang mga posibleng mangyari kapag dumating na ako sa lugar na iyon. I'm curious kung ano ang itsura ng maliit na pamayanan na iyon, but I don't want to spoil myself either.
I got off my bed at head towards my closet. Kinuha ko ang malaki kong maleta at nagsimula nang mag-impake ng mga gamit na kakailanganin ko.
Mamaya ay pupunta ako ng supermarket upang bumuli ng mga personal kits. Dahil katulad nga ng sinabi ni Mrs. Baure, maliit lamang ang lugar na iyon. Ayoko na pagkarating ko roon, kailangan ko pang maghanap ng malaking tindahan para bumili ng mga kailangan kong kagamitan para sa aking sarili. Mabuti na at maging handa ako bago pumunta roon.