Chapter 1 - “I do,”

1411 Words
  "Sergs, nasaan na ba kasi si Joshua? Kanina pa naghihintay si Sarphina sa loob ng bridal car!" rinig at basang-basa ko ang mga labi ni Mama habang binibitawan ang mga salitang iyon.      Pati na rin ako ay kinakabahan dahil baka tama nga kung ano ang iniisip ng lahat. Napatingin ako sa labas at kitang-kitang ko ang malungkot na tinging ipinupukol ng mga bisita habang nakatingin sa gawi ko. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagka-awa dahil malaki ang posibilidad na tinakbuhan ako ng mapapangasawa ko.      Ako si Sarphina Isabelle Cuesta, dalawampu't anim na taong gulang. Ngayon ang araw na ako ay ikakasal sa aking nobyo na si Joshua Fernan. Dalawang taon na kaming magkasintahan at sa loob ng mga taong iyon, planado na ang lahat para sa gaganapin naming kasal at pati na rin ang lupang pagtatayuan namin ng bahay na siyang binili ko.     "Bes.”   Napalingon ako sa aking gilid at nakita ko ang matalik kong kaibigan na si Dahlia na siyang maid of honor ko. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkapagod at pagkabalisa.      Pinilit kong ngumiti upang ipakita na wala akong alam sa mga nangyayari sa aking paligid. Nanatili lamang siyang nakatayo sa labas ng pinto ng kotse habang hawak-hawak ang laylayan ng kanyang bestida at nakatingin ito sa akin.     "Bakit, Dahlia? May kailangan ka? Pasok ka nga rito! Ang init-init riyan sa labas," wika ko at bahagyang umusog upang magkaroon ng espasyo si Dahlia.      Hinawakan niya ang aking kamay at nag-alangang tumingin sa akin. Ramdam ko ang malamig at nanginginig niyang kamay. Ipinatong ko ang palad ko sa ibabaw ng kamay niya na siyang ikinalma niya naman.     "Anong problema? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalala kong tanong dito at inilagay ang palad ko sa noo niya.      "Wala, Bes. Okay lang ako," aniya at pilit na ngumiti sabay tingin sa ibaba. Napansin ko ang bawat pagbubuntong hininga niya na parang may gusto siyang sabihin sa akin.      "May gusto ka bang sabihin sa akin?" diretsa kong tanong at tinignan siya sa mata.      Maluha-luha siyang tumingin pabalik sa akin at pinipigilan ang kanyang pag-iyak. Nang makita ko ang ekspresyon niyang iyon, alam ko na kaagad kung ano ang susunod niyang sasabihin.      Pinatatag ko ang sarili ko at pinigilan ang emosyong kanina pa gustong kumawala. I forced a smile habang nakatingin sa kanya upang ipakita na handa ako sa kung ano mang sasabihin niya.      "I called Josh..." she trailed off na parang ayaw niya nang ituloy ang kung anong dapat niyang sasabihin. Pinahid niya ang luhang kumawala sa kanyang mata at ipinagpatuloy ang sasabihin. "After several calls, naisip niya rin na sagutin ito. He wants me to rely a message on you that he's sorry for not coming to your wedding day. He also added that, hindi niya nakikita ang future niya sa 'yo. Josh hopes  that someday you will find someone na kaya kang iharap sa altar," her voice cracked after saying the last sentence.      I remained silent at hindi kumibo pagkatapos iyon marinig. Kahit na inasahan ko na iyon ang balitang bitbit niya sa akin, para akong nabingi nang marinig ko iyon. Pakiramdam ko ay nasa tabi ako ng kampana nang patunugin ito dahil wala akong ibang narinig kundi ang bawat pagtunog lamang nito.      "Sarphina?" rinig kong pagtawag sa akin ni Dahila habang basang-basa ang kanyang mga mata.      Hindi ko magawang makapagsalita. Pakiramdam ko ay isang panaginip lamang ito at kapag nagising na ako babalik ulit ang lahat sa dati.      Nagsimula nang lumabo ang aking paningin. Dahil siguro sa luhang namumuo sa aking mga mata. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang dali-daling pagbukas ni Dahlia sa pinto ng kotse.     "Tito! Tita!" pagtawag niya sa mga magulang ko. "Si Sarphina!"     Agad naman nila akong dinaluhan sa puwesto ko habang nanatili pa rin akong walang imik. Ramdam ko ang patuloy na pagdaloy ng mga likido sa mukha ko. I saw Mama's worried face while her tears keeps flowing down.     Everything was blurry. Pero rinig na rinig ko ang mga pag-uusap ng mga taong nasa paligid ko. Bigla akong nawalan ng lalas, kahit na ang ginawa ko lang naman ay umupo at maghintay.      "Tarant*d* talaga 'yang Joshua na 'yan! Kapag nakita ko ang gag*ng 'yon, bubugbugin kosiya dahil sa ginawa niya!" rinig kong galit na sigaw ni Papa.      "Pa," pagtawag ko sa kanya upang pakalmahin siya.      May highblood si Papa at ayoko na itong pangyayari na ito ang maging dahilan upang atakihin siya.      Agad namang dumalo si Papa sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Anak, patawad. Patawad kung hindi kita naprotektahan sa lalaking iyon."      Ang sakit na naramdaman ko kanina ay walang katumbas sa sakit nang makita ko si Papa na umiiyak sa harapan ko dahil lamang sa lalaking hindi sumipot sa kasal namin.      "Pa, wala kang kasalanan," wika ko habang walang tigil naman sa pag-agos ang aking mga luha.     Pakiramdam ko ay nagkalat na ang make-up ko dahil sa labis na luhang lumalabas sa mga mata ko. Marami pa sana akong gustong sabihin kay Papa ngunit nararamdaman ko ang biglang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paligid at nalamon na lang ako bigla sa antok na bigla ko na lamang naramdaman.     NAGISING ako dahil sa kamay na marahang hinihimas ang aking ulo. Unti-unti kong ibinuka ang mga mata ko at bahagyang nasilaw sa ilaw na bumalot sa buong kuwarto. Napagtanto ko na narito pala ako sa aking kuwarto at nasa gilid ko naman sina Mama at Dahlia.      Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Papa na siyang nakaharap sa bintana at nakatingin ito sa labas. Kahit na hindi ko masyadong kita ang buong pagmumukha niya, ramdam ko ang lungkot nito dahil sa nakababa niyang mga balikat.      "Sergs, gising na si Sarphina," pagtawag ni Mama kay Papa at dali-dali naman itong lumapit sa kanya.      Ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko ngunit pinilit ko pa rin na bumangon. Inalalayan naman ako ni Papa hanggang sa nakaupo ako ng maayos at sumandal sa headboard ng kama.      "Si Josh? Nandito ba siya?" tanong ko dahil umaasa pa rin ako na pupunta siya rito at hihingi ng tawad dahil sa hindi pagsipot niya sa kasal namin. Umaasa pa rin ako na matutuloy ang kasal namin.     "Anak," pagtawag sa akin ni Mama. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang malungkot niyang ekspresyon. "Lumuwas ng bansa si Josh," malumanay niyang sabi ngunit ramdam ko ang panginginig ni Mama.      Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata. Ngumiti ako ng pilit habang nakatingin kay Mama. "Hindi, Ma. Babalik din 'yon at matutuloy ang kasal namin," malumanay kong wika.      "Anak," pagtawag ni Papa sa akin at nilingon ko naman siya.      "Pa, kilala ko si Josh. Tumutupad 'yon sa usapan. Kapag sinabi niya na papakasalan niya ako papakasalan niya talaga ako!" hindi ko mapigilan na tumaas ang boses ko dahil sa sobrang bigat na aking nararamdaman.      "Sarphina... Tama na, please," nakita ko ang mga mata ni Dahlia na punong-puno ng lungkot habang nakatingin sa akin.      Lumapit ako sa kanya habang nakaluhod at hinawakan ito sa kamay. "Kilala mo naman si Josh ‘di ba? Simula't sapol ikaw ang palagi naming kasama kapag gumagala kami. Hindi ba't tumutupad iyon sa usapan? Diba kapag sinabi niyang papakasalan niya ako gagawin niya? Hindi ba? ‘Di ba..." sunod-sunod kong sabi habang paunti-unting humina ang aking boses dahil sa malungkot na ekspresyong ipinapakita ni Dahlia     Nanghina ako dahil nasaksihan ko ang naawa niyang tingin sa akin. Bumagsak ang mga kamay ko at matamlay na napaupo at tumingin sa kawalan, dahil ngayon lamang sumagi sa aking isipan ang katotohanang hindi na babalik si Josh at wala nang kasal na mangyayari.     Napahagulhol ako dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit humantong ang lahat sa ganito. Wala akong ideya na gagawin iyon sa akin ni Josh.      "Akala ko kasi mahal na mahal niya ako! Iyon kasi ang sabi niya sa akin, e! Pero bakit biglang humantong sa ganito? Bakit bigla na lamang niya ako iniwan sa ere, kung kailan ikakasal na kami?"    Parang sinaksak ako sa puso ng ilang beses dahil sa sakit na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mapigilan na hindi tanungin ang Diyos kung bakit hinayaan niya na mangyari ito sa akin.      Buong akala ko ay magiging masaya na ako dahil ikakasal ako sa taong mahal ko. Hindi ko inakala na ang sayang naramdaman ko no'ng mga panahong magkasintahan pa kami, may kaakibat pala itong matinding sakit na mararamdaman ko mismo sa araw ng kasal namin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD