Ginamit xMaligaya©July2023 “ANG sakit,” mahina kong daing nang magising ako dahil sa braso na nakadantay sa aking baywang. Hindi ako makamulat nang maayos dahil ang sakit-sakit ng aking ulo. Hindi ko rin masyadong maalala kung ano'ng nangyari sa akin kagabi at kung paano ako nakarating dito sa aking kama. Isang daing pa ang lumabas mula sa aking bibig bago ko tinanggal ang braso na nakapulupot sa akin. Lumipat din ako ng pwesto at tumingin sa kabilang direksyon upang makita ko kung sino ang aking katabi. Nanlaki na lamang bigla ang aking mga mata nang makita ko si Bryan na tulog na tulog sa aking tabi. Oo nga pala! Natatandaan kong magkausap kami ni Miah kagabi nang biglang siyang dumating sa eksena pero. . . “B-bakit siya nandito?” natataranta kong tanong sa aking sarili bago ako bu

