Not yet done xMaligaya©June2023 HINDI natuloy ang usapan naming pag-iinoman nina Jeffrei at Benj nang mabalitaan naming bigla na lamang sumakit ang tiyan ni Monique. Lahat kami ay sobrang nag-alala at nataranta dahil hindi lang basta sakit sa tiyan ang kaniyang iniinda. She was limping in pain, and she was calling Miah's name. Iyon nga lang ay mas mabilis si Bryan kaya siya ang bumuhat kay Monique upang dalhin ito agad sa loob ng bahay. Lahat naman kami ay napasunod at inantabayanan ang kaniyang kalagayan. “Mabuti na lang at hindi siya dinugo. I told her to take care of herself.” Narinig kong pahayag ni Tita Elaine kay Tita Amara na mukhang nag-aalala rin kay Monique. Pumasok na lang ako sa kusina dahil ayaw ko munang makigulo sa komosyon ng kanilang pamilya. Inimis ko ang mga baso a

