Iinom na lang natin xMaligaya©June2023 NANG sa wakas ay makatakas ako kay Bryan ay sinubukan ko na ang lahat ng maaari kong gawin upang patigilin ang kakaibang pagpintig ng aking puso ngunit wala akong nakuhang solusyon. Mabuti na lamang ay nakiayon sa akin ang panahon. Pagkagising ko kinabukasan ay umuulan nang malakas kaya hindi natuloy ang plano nilang maligo ng dagat. Nagkunwari na lang din akong maysakit sa pagpaplanong baka maiwasan ko si Bryan. Iyon nga lang ay sa halip na hindi ko muna siya makita ay nagpupumilit pa rin siyang kausapin ako. “Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” Bryan questioned after I opened the door of my room for the nth time. Sa buong maghapon yata ay nakalimang beses na siyang pabalik-balik at nagtatanong sa akin. “O-oo, pero nakainom na ako ng gamot.

