Isang lalaki at isang babae xMaligaya©June2023 “HINTAYIN mo ako rito, Misis. I’ll just take care of our things,” masuyong pahayag ni Bryan matapos niya akong alalayan na makababa sa private yacht ng kanilang pamilya. Pumayag naman ako at ibinigay sa kaniya ang bag na sukbit ko sa likod. Papalubog na ang araw nang makarating kami rito sa pribadong isla nila sa Micora. The place is still underdevelop, but I know Lolo has plans for this. Ang ganda-ganda at ang lawak-lawak. Panigurado akong dudumugin ito ng mga turista sa mga darating na taon. “Oh my god! I miss the sea!” biglang hiyaw ni Tita Elaine, mommy ni Miah na kabababa lang din sa yacht. “Who wants to join with me?” dugtong niya bago tiningnan ang kaniyang dalawang kapatid na kababa lang din, maliban kay Tita Aerin na ina naman ni

