Monique is there
xMaligaya©June2023
SIMULA noong araw na ipinagtapat sa amin ni Benj ang tungkol sa kaniyang katauhan ay hindi ko na siya muling nakausap, kahit na magkaklase kami.
Iniiwasan niya ako at sa tuwing lalapitan ko naman siya ay maghahanap siya ng dahilan upang matakasan niya ako. Naging mas mailap siya sa mga tao, lalo na sa mga kababaihan. Nitong nagdaang linggo ay napapansin ko na rin ang madalas niyang pagkabalisa at pagliban sa klase.
“Hey, p3rvert, what are you thinking, huh?” Axl, Bryan’s friend asked me as he pinched my cheeks. Nawala tuloy ang aking iniisip at napunta sa kaniya ang aking atensyon.
Nakalimutan kong nandito nga pala ako sa music room at hindi ko namalayan na kanina pa pala tapos ang practice nila dahil nakatungo lamang ako at nakatulala sa kawalan.
“Stop calling her p3rvert. That's the nickname I gave her,” babala ni Bryan na nagmamadaling lumapit sa amin pagkatapos ay mabilis niyang tinanggal ang kamay ng kaniyang kaibigan sa aking pisngi.
Mabilis naman na napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam, pero kailangan ko na talagang pigilan ang aking sarili na hindi lagyan ng ibig sabihin ang mga matatamis niyang salita pati na rin ang maliliit na bagay na kaniyang ginagawa.
“She’s better than the former and I like her,” kanta ni Kevin bago iwinasiwas ang kaniyang drumsticks sa hangin ay nagpatugtog ng drums.
Hindi ko naman naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin dahil bigla na lamang akong narindi. Nasaway tuloy siya ni Bryan nang 'di oras.
“I like her, too and if he dumps her, I'll pick her up,” pakanta rin na dugtog ni Hans na sinimulan ang pagpi-piano. Kitang-kita kong nag-e-enjoy silang dalawa sa pagdurugtong ng kanilang kanta kaya napatawa na lamang ako.
Kukuhanin na naman sana ni Axl ang kaniyang gitara at daragdagan din ang lyrics ng kanta nang bigla na lamang silang sawayin ni Bryan.
“Stop it and leave,” tila naiiritang pahayag ni Bryan kaya napasimangot ang tatlo at itinigil nga ang ginagawa.
“Ang kill joy mo naman talaga, Bry. Paano mo ba 'to nagustuhan, Miss Palmes?” Hans asked me, making my heart beats fast. Namula ang aking magkabilang pisngi at hindi ako makahinga nang maayos.
C-crush ko ba si Bryan?
Sandali! Bakit ko naman siya magugustuhan? Ang sama-sama ng ugali sa akin ng lalaking 'to noon.
“Oo nga, Miss Palmes. Ano ba’ng nagustuhan mo sa kaibigan namin?” hirit ni Kevin na tila hindi pa rin maka-move on sa kaniyang kinakanta kanina dahil mahina pa rin siyang humihimig.
Nagkatinginan naman kami ni Bryan sandali bago ko mabilis na inilihis ang aking paningin sa kaniya. Para kasing gusto niya ring marinig ang aking sasabihin.
“A-ano. . .” Nauutal ako at hindi maituloy ang sasabihin dahil tinatalo ako ng malakas na kabog ng aking dibdib.
“I got it!” Nagulantang ako nang biglang sumigaw si Axl at tinuro niya pa ako. “I think you like my friend because he is still a virgin,” dagdag niya kaya napanganga ako at dahan-dahan pang napakurap-kurap.
Nang makabawi ay todo ang ginawa kong pag-iling at pagtanggi sa kaniyang akusasyon. Malakas na tawa lang naman ang isinagot sa akin ng tatlo kaya napalingon ako kay Bryan na hindi ko inaasahang nakatitig na pala sa akin.
“Damn you, Axl. Umalis na nga kayo!” pagtataboy niya sa kaniyang mga kaibigan na umani na naman ng kanikanilang mga reklamo.
“Hindi ka namin bati,” saad ni Hansel na dinilaan kaming dalawa ni Bryan bago sila tuluyang umalis ng music room. Ngayong kaming dalawa na lamang ang tao ay lalo akong nailang.
“I’m sorry about that,” pagpapaumanhin niya pagkatapos ay tumabi siya sa akin sa pagkakaupo sa mahabang couch. Pasimple naman akong napaisod papalayo sa kaniya, mabuti na lamang ay hindi niya napansin.
“Gumagawa ba kayo ng kanta? Maganda 'yong lyrics nila kanina,” komento ko bago ako naglakas ng loob na tumingin sa kaniyang gawi. Sumalubong naman sa akin ang kaniyang malawak na ngiti na tila nahihiya.
“You did not understand it,” he simply said before he touched the back of his neck.
Kumunot ang aking noo at napatanong, “Ang alin ang hindi ko naintindihan?”
“Nothing. Iniisip mo ba si Jeremiah kanina?” pag-iiba niya ng aming topic bago sumeryoso ang kaniyang itsura. Mabilis naman akong umiling dahil iyon ang katotohanan.
Himala na sa nakaraang linggo mula noong mag-usap kami ay hindi ko naiisip si Miah. Siguro, sumasagi lang siya minsan sa aking isip, ngunit hindi rin siya nagtatagal. Sa palagay ko'y dahil kay Benj na kasalukuyan kong pinoproblema.
“Liar,” he muttered as he stood up to get his guitar. Bumalik naman agad siya sa aking tabi pagkatapos ay marahan niyang ini-strum ang instrumento.
“H-hindi nga,” pagtatanggol ko sa aking sarili bago ako suminghap ng maraming hangin. Noong nakaraan ko pa kasi gustong banggitin si Benj sa kaniya, hindi lang ako makakuha ng magandang tiyempo.
“Hindi ka pa rin ba umuuwi sa mansion?” malumanay kong tanong kaya siya napatingin sa akin. Itinigil niya ang paggigitara at itinabi iyon malapit sa couch bago siya humarap sa akin.
“I will never enter that house again. Why do you ask?” Nahimigan ko ang pait sa kaniyang tinuran kaya tila nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko pa rin ba sa kaniya ang plano ko o itatago ko na lamang.
“Why?” pag-uulit niya ng kaniyang tanong kaya hindi ko napigilan ang pagkataranta. Pakiramdam ko kasi ay magagalit siya kapag narinig niya ang aking sasabihin.
“Tungkol kay Benj. Hindi mo ba siya kukumustahin?” pauna kong saad kahit abot-abot na ang kaba sa aking dibdib.
“Why would I?” he inquired, nonchalantly as he stared deeply on my eyes. Para naman akong matutunaw sa ginagawa niyang pagtingin kaya inilihis ko ang aking mata papalayo sa kaniya.
“Iniiwasan ako ni Benj. Pakiramdam ko nahihiya siya sa mga nasabi niya sa atin.” Hindi ko napigilan ang maglabas ng saloobin sa kaniya kaya pati ang mga observation na ginawa ko kay Benj ay nakwento ko na rin.
“He should be embarrassed. Hindi niya dapat sinabi iyon sa’yo,” he told me as if he was replaying that scene on his head. “Hindi siya nag-iisip. What if your trauma triggers you and you get scared of me?” tanong niya pagkatapos ay maingat siyang umisod papalapit sa akin.
Takang-taka naman ako sa aking narinig dahil hindi ko naman nakukwento sa kaniya ang bagay na iyon. Masyado kasi 'yong madilim at ayaw ko nang balikan. Isa pa ay nahihiya ako at natatakot sa kung ano ang sasabihin niya sa akin.
“P-paano mo nalaman? Wala akong sinasabi sa’yo,” pahayag ko habang unti-unting kong tinitibayan ang aking depensa kung sakaling may sabihin siya sa akin na hindi maganda.
“I saw you before. . . that night when Jeremiah took you home,” he mentioned, making me avoid his gaze. Nagulat tuloy ako nang dumampi ang kaniyang palad sa aking kamay.
“Benj was there, too. Siya pa nga ang hiningian ng tulong ni Jeremiah para dalhin ka sa kwarto,” pagpapatuloy niya habang nilalaro niya ang aking mga daliri sa kamay.
“We know what exactly happened. Benj, Jeffrei and I were at the house, that night.” His voice was low and caring. Hindi ko iyon nakaringgan ng kahit anong diskrimanasyon kaya tila nabuhayan ako ng loob at kusa siyang hinanap ng aking mga mata.
“Okay lang sa’yo na kaibiganin mo pa rin ako?” May paghahamon sa aking tanong kaya noong tumango siya ay kumalampag nang sobrang lakas ang aking puso. “H-he licked my. . . my neck,” nauutal ko pang sambit habang tinitingnan ko nang maigi kung mandidiri ang kaniyang ekspresyon.
“Fvck. I will definitely kill him. Do you know his name?” Tinanggal niya sa pagkakasiklop ang aming kamay saka kumuyom ang kaniyang kamao. Umiling naman ako kasunod nang paglukob ng kaba sa aking dibdib.
“Sabi ni Miah, hinding-hindi na raw iyon makakalapit sa akin. Hindi ko na rin siya nakikita rito sa school pagkatapos ng nangyari,” pagpapakalma ko sa kaniya ngunit lalo lamang naningkit ang kaniyang mga mata.
Ilang segundo pa siyang pumikit habang humihinga nang malalim bago muling magtama ang aming paningin.
“I, too, will make sure that he won’t get close to you,” paninigurado niya pagkatapos ay marahan niya muling pinagsiklop ang aming mga palad. “And I’ll be more careful when I’m with you from now on,” dagdag niya na nagpabilis ng t***k ng aking puso.
“Thank you, Bryan. Akala ko si Miah lang ang—” pagpapasalamat ko na hindi niya na pinatapos noong narinig niya ang pangalan ng kaniyang pinsan.
“Is that the reason why you still want him? Kasi niligtas ka niya at tinanggap ka niya?” Dahan-dahan akong tumango nang mapagtanto kong iyon nga ang aking dahilan.
Miah is my prince who saved me from a monster. Sa lahat ng libro at teleserye, 'yong lalaking nagligtas ang makakatuluyan ng babae sa dulo.
Ngunit bakit hindi ko na yata matanggap ang ending ng lahat ng kwento? Naguguluhan na naman tuloy ako sa aking sarili.
“M-may naiwan pala ako sa room. Kukuhanin ko lang,” pagpapalusot ko bago ko inalayo ang aking kamay sa kaniya pagkatapos ay mabilis akong tumayo at nagplano nang umalis.
“Why are you leaving? You’re asking about Benj because you want to help him, right?” sapul na tanong ni Bryan kaya natigilan ako at napaharap sa kaniya. Tumayo rin naman siya at tumindig sa aking harapan.
“Huhulaan ko. Nakokonsensya ka na iniwan natin siya noong nakaraan.” Tumpak na naman ang kaniyang sinabi kaya nakagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi.
“Mabait si Benj. Ni hindi niya ako sinupladuhan at sinungitan. Palagi rin siyang nakangiti sa tuwing mag-uusap kami kaya na-gi-guilty ako,” panimula ko kasunod ng aking pagtungo sa paghahanda na baka pagalitan niya ako.
“Nahihirapan siyang tanggapin ang sarili niya tapos parang pinangdirihan pa natin siya noong nakaraan,” dagdag ko pa na kaagad niyang hindi sinang-ayunan.
“Hindi tayo nandiri. Hindi lang tama ang hinihiling niya,” he argued as he held my chin up. Mabilis naman akong umiwas upang hindi niya mahuli ang aking mga mata.
“Nag-research ako tungkol sa mga tao na mahilig doon. Hindi naman sila masasama,” paliwanag ko bago ko idinetalye kung ano ang aking mga nalaman.
“No. You still have fear of boys, baby. Napapansin ko 'yon sa tuwing may makakasalubong tayong mga lalaki.” Hindi siya galit, kundi lamang ang pag-alala na napansin ko sa kaniyang boses.
“Pero hindi naman si Benj ang lalaki na iyon. Wala rin siyang sinabi na gagawan niya ako nang masama. Isusuot niya lang naman 'yong posas sa akin saka sasamahan mo naman ako, hindi ba? Nandoon ka naman para bantayan ako,” mahabang paliwanag ko na nagtunog pakiusap kaya tumahimik lamang siya at tinalikuran ako.
I know him. Sigurado akong nag-iisip na siya at kapag ganito na ang ginagawa niya ay alam ko nang malapit ko na siyang mapapayag.
“Please, Bryan. Kaibigan ko rin si Benj. Kung ikaw 'yong nasa sitwasyon niya, tutulungan din kita,” malambing kong salaysay bago ako pumunta sa kaniyang harapan.
“Joy, please, huwag mo akong dinadaan-daan sa mga lambing mo. Kung ako si Jeremiah, hindi kita papayagan.” He looked straight into my eyes, making me hold his arm. Nginitian ko rin siya at sinubukan ko ring magpa-cute sa kaniya.
“That’s why I am thankful that you are Bryan. Nirerespeto mo ako, iniintindi mo ako, hindi mo ako inaaway at—” Mahina siyang napamura bago niya idineklara ang kaniyang pagkatalo. Napangiti naman ako at hindi ko napigilan ang aking sarili na bigla na lang siyang yakapin.
“Talaga? Talaga? Thank you, Bryan,” tuwang-tuwa kong pagpapasalamat hanggang sa mapagtanto ko ang pwesto naming dalawa.
“Pasalamat ka, hindi kita kayang tiisin,” he whispered to my ears, making me pull away from him, however he did not let me escape.
“Tell me, ilang linggo na tayo?” pag-uusisa niya habang nakakulong pa rin ako sa kaniyang mga braso. Nahigit ko naman ang aking hininga dahil nagsisimula na namang magkagulo sa loob ng aking dibdib.
“M-mag-iisang buwan nang tayo. One month na lang, ikakasal na sila,” I answered as I tried my best to calm down.
“One month na lang,” he told me then suddenly, he asked me if he could put his head on my neck. Nang pumayag naman ako ay noon niya lang iyon ginawa pagkatapos ay niyakap niya na rin ako nang mahigpit.
Matagal kaming nasa ganoong posisyon bago niya ako inayang ihatid pauwi. Sinabi niya rin na kakausapin niya Benj kaya kinagabihan ay mahimbing na akong nakatulog.
Kinabukasan ay tanghali niya na akong dahil late na raw nabasa ni Benj ang message niya. Nakapag-usap na rin silang magpinsan at nasabi niya na rin daw kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ni Benj.
“Kanino ang condo ang pupuntahan natin dito?” pag-uusisa ko habang naglalakad kami papasok sa elevator ng isang condominium.
“Kay Kuya Eugene. Kuya ni Benj,” seryoso niyang sagot pagkatapos ay hindi na siya muli pang nagsalita.
“Nagagalit ka ba?” tanong ko ulit matapos naman naming makalabas sa elevator.
“No, but baby, if you want to back out, we will go out here as soon as possible. Pumunta na lang tayo kung saan mo gusto,” pangungumbinsi niya na umani lamang ng isang ngiti at iling sa akin.
He’s Bryan Lovin. Alam kong hindi niya ako pababayaan kaya malakas ang aking loob.
“J-Joy,” Benj suddenly called my name at a distance. Nakakulay itim siyang jacket at papalapit siya sa amin ni Bryan. Sinabi niya na roon na kami mag-usap tatlo sa loob ng condo unit kaya sinundan na lang namin siya hanggang makapasok kami sa loob.
The unit is clean and neat. Tanging dalawang kulay lamang ang nangingibabaw rito, puti at itim. Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng lugar nang sandaling kuhanin ni Benj ang aming atensyon.
“I-I’m sorry for avoiding you. I-I thought we’re no longer friends anymore. A-akala ko rin, i-ipagsasabi niyo ang nalaman niyo tungkol sa akin.” Malikot ang kaniyang mga mata, parang hindi niya kayang tumingin sa aming dalawa ni Bryan.
Pinaupo niya rin muna kami sa couch pagkatapos ay pabalik-balik siyang naglakad sa harapan namin kaya ramdam kong naiirita na ang aking katabi.
“S-sigurado ka ba sa pagpayag mo? I-I mean, i-iyon lang naman ang gagawin natin. I-I won't touch you and I promise that this will be the first and the last,” paliwanag niya pa bago niya sinulyapan si Bryan na tumango lamang pagkatapos ay tumayo upang lumipat ng upuan.
“Paano ba ang gagawin natin?” lakas-loob kong tanong bago ko tiningnan si Bryan na iniwasan ako ng tingin.
“T-tell me what to do and I will follow you. I-I want your command,” he told me, making me looked at Bryan again. Nang magkatinginan kami ay sigurado akong iisa lang ang nasa isip namin ngayon.
Benj is submissive.
“T-then compliment me for what I've done. A-after that, w-were. . . we're done,” kinakabahan niyang dugtong bago niya inilabas ang handcuff sa bulsa ng kaniyang jacket.
“Benj, huwag mong kalimutan ang pinag-usapan natin,” paalala ni Bryan na tila may kasamang pagbabanta kaya nagpigil ako ng aking ngiti pagkatapos ay nag-focus na lang ako sa aking sasabihin.
“R-ready?” tanong ko kay Benj na mabilis na nagpatango-tango. “I-isuot mo sa akin 'yong handcuff, Benj,” utos ko sa kaniya kaya nagmamadali niyang inayos ang posas na hawak niya.
He looked so pleased while doing it. Nagkakatinginan na lang tuloy kami ni Bryan na paminsan-minsan ay sinasamaan ng titig si Benj.
“Very good. You’ve done it well,” I complemented him after he successfully handcuffed me. Para naman siyang bata na tuwang-tuwa habang nagpapasalamat sa akin.
“That’s the end, right?” bigla at nagmamadaling pagsingit ni Bryan pagkatapos ay mabilis niya akong hinila papalayo kay Benj.
“Ako na ang magtatanggal,” presinta pa niya kaya wala nang nagawa si Benj kundi ang pumayag.
Matapos ang lahat ay lubos-lubos ang pasasalamat niya sa akin samantalang ang weird-weird naman ng pakiramdam ko. Para lang kasi kaming naglaro.
Hindi na rin kami nagtagal ni Bryan sa condo unit dahil mayroon pa raw kaming bibilhin sa Mall. Isang beses pa naman na nagpasalamat sa amin si Benj bago kami umalis.
“Galit ka ba sa akin? Nagseselos ka ba kay Benj?” tanong ko na idinaan ko sa pagbibiro.
Kanina pa siya walang kibo. Hindi rin siya tumitingin sa akin pero nakahawak naman siya sa kamay ko. Hindi ko tuloy siya maintindihan.
“If yes, what will you do?” paghahamon niya kaya napalunok ako. Pilit kong isiniksik sa isip ko na nagbibiro lang din siya.
“I will buy you clothes,” pag-iiba niya na agad ng usapan kaya napakunot noo ako at napatingin sa kaniya upang humingi ng paliwanag.
“Lolo wanted a family vacation. Isasama kita.” We stopped walking then he smiled at me.
“Don’t you dare turn me down. I know your schedule. Hindi ka mahuhuli sa klase niyo. Aalis tayo sa Friday tapos uuwi tayo sa Monday,” pahayag niya bago ini-recite sa akin ang Tuesday-Wednesday-Thursday kong schedule.
“Pero pamilya niyo lang ang imbitado. Nakakahiya. Bakit kailangang kasama pa ako?” pag-uusisa ko habang pinipigil ang mabilis na pagpintig ng aking puso.
“Because you are my girlfriend and. . . Monique is there. I need you,” salaysay niya na nagpaalala sa akin na pagpapanggap lamang ang lahat ng ginagawa naming ito. Bakit ko nga ba nakalimutan na si Monique ang mahal niya?
~×~