Monique xMaligaya©July2023 TUMAKBO ako nang tumakbo hanggang sa hindi na ako naabutan pa ni Bryan. Mabilis din akong lumabas ng school gate at hindi na ako nag-abala pang lumingon dahil nagmamadali akong umalis upang takasan ang aking mga problema. Hindi naman iyon totoo pero parang wala na akong maihaharap ba mukha sa mga tao. Iniisip ko pa lang na mag-viral ang post na iyon sa buong DASU ay parang mahihimatay na ako matinding kahihiyan. Wala akong kapag-a-pag-asa habang bumiyahe ako papauwi. Sumasakit ang aking puso dahil sa nalaman ko tungkol sa ginawa sa akin ni Bryan tapos mayroon pa akong mas mabigat na problema. Hindi tuloy maubos ang aking mga luha hanggang sa makapasok na ako sa loob ng gate ng apartment ko. “Oh, Joy, ano'ng nangyari sa'yo?” bungad na tanong ni Tita Riza nan

